Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 10, 2009

Sarah Geronimo kasunod na ni Nora

Mukhang si Sarah Geronimo na nga ang susunod na pinakamalaking star sa kanyang henerasyon at ito’y batay na rin sa pagiging box office, hindi lamang ng kanyang mga pelikula kundi maging sa kanyang mga concerts here and abroad at maging sa benta ng kanyang mga albums at pagiging in-demand celebrity endorser.

Kung si Nora Aunor ay Superstar, si Vilma Santos ay Star for All Seasons, si Sharon Cuneta ay Megastar, Diamond Star si Maricel Soriano at Asia’s Songbird naman si Regine Velasquez, si Sarah naman ay Popstar. Halos iisa ang pattern nina Nora, Sharon, Regine at Sarah na pare-parehong nagsimula bilang singers bago kinilalang mahuhusay na aktres.

Ang kaibahan lamang ni Sharon kina Nora, Regine at Sarah, hindi siya sumali sa anumang amateur singing contest.

Sina Nora, Regine at Sarah ay parehong nagmula sa singing search, si Nora ay naging kampeon sa Tawag ng Tanghalan, si Regine sa Bagong Kampeon habang si Sarah naman ay sa Star for a Night.

Although pare-parehong pagkanta ang kanilang naging puhunan, hindi rin sila nakaiwas sa larangan ng pag-arte.

Matapos tanghaling Box Office Star si Sarah along with John Lloyd Cruz na kanyang nakapareha sa dalawang hit movies, may bagong pelikula na namang sisimulan si Sarah kung saan malamang na makatambal niya si Gerald Anderson.

Sa darating na July 25 ay 21 na si Sarah kaya tinanong namin ang butihing ina ng dalaga na si Mommy Divine kung papayagan na niya na magka-boyfriend ang anak.

“Nasa kanya naman `yon,” ani Mommy Divine sa press launch ng bagong TVC (TV commercial) ni Sarah sa Careline Cosmetics kung saan siya ang latest endorser.

“Kung ready na siyang magka-boyfriend wala namang magiging problema sa amin ng daddy niya. Nandito lamang kami para i-guide siya,” dugtong pa nito.

Although tanggap ng publiko ang tambalan nina Sarah at John Lloyd, malabong ma-link ang dalawa ngayon dahil mas mainit na pinag-uusapan ang pagkaka-link nina Ruffa Gutierrez at John Lloyd. Wala namang problema kay Sarah dahil magkaibigan at magkatrabaho lamang sila ni Lloydie.

May boyfriend o wala, masaya si Sarah sa takbo ng kanyang career - sa singing, sa acting, sa concerts at maging sa pagiging in-demand celebrity endorser.

Samantala, hindi ikinakaila ni Sarah na iniyakan niya ang pagkamatay ng King of Pop na si Michael Jackson na isa sa kanyang mga idolo mula pagkabata. Pinagpuyatan din niya ang memorial service na ibinigay sa music icon nung Martes ng gabi hanggang madaling araw at habang pinapanood niya ito ay hindi niya maiwasan ang umiyak.

“Hanggang ngayon ay hindi pa ako makapaniwala na wala na si Michael (Jackson) pero mananatili siyang buhay sa puso at isipan ng mga taong nagmamahal sa kanya sa buong mundo at isa na ako roon,” ani Sarah.

Ayon kay Sarah, kung hindi namatay si Michael, gusto sana niyang panoorin ang comeback concert nito sa London pero dahil sa nangyari, mananatili na lamang itong pangarap na hindi na kailanman matutupad.

Sa mga awiting pinasikat ni Michael, paborito ni Sarah ang Man in the Mirror.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES