Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, July 03, 2009

Sharon Cuneta tinatawanan lang ang sex video ni KC

Tuwang-tuwa si Sharon Cuneta sa role niyang pekeng manghuhula sa guesting niya sa Oh My Girl! (OMG!) ng Regal Films. Maaga si Sharon sa set last Wednesday pero 10:00 p.m. pa kinunan ni direk Dante Garcia ang two to three scenes niya at pinaalis muna ang mga tao sa harap ng simbahan sa Taal, Batangas kung saan ang location.

As expected, dumating si Mother Lily Monteverde sa shooting at personal na inaasikaso si Sharon at binilhan nito ng damit si Megastar para hindi makamukha ng isang controversial na manghuhula.

Tsika ni Sharon, si Judy Ann Santos ang unang nag-request kung puwede siyang mag-guest sa movie, nang lumapit si Ogie Alcasid with the same request, sinabi niya ritong naunahan na siya ni Judy Ann. Excited si Mega na makasama ang dalawa sa first movie niya sa Regal.

“Sobrang touched ako’t pagdating ko sa location, ang daming invited na press si Mother Lily, nag-rent pa siya ng bahay para dun gawin ang presscon. Napaka-blessed ko to work with Judy Ann and Ogie and Mother Lily,” sabi ni Sharon.

Showing sa July 29, ang OMG! at sa August, sisimulan ni Sharon ang shooting ng Mano Po 6: My Mother sa direction ni Joel Lamangan at may mga eksenang kukunan sa Taipei. Hindi pa alam ni Sharon ang makakasama niya pero nabanggit niya sina Carla Abellana, Marian Rivera, pero si Mother Lily at ang Regal na ang bahala sa cast.

Ipinarating namin kay Sharon ang tampo ng mga fans ni Kim Chiu sa sinabi raw niyang mas gusto niyang makasama sa Mano Po 6 si Angel Locsin kesa kay Kim.

“I don’t remember saying I prefer Angel over Kim. Angel is one of my favorite actresses ever since. They asked me, sino ang gusto kong makasama? Of course, I’d like to work with people I like. I don’t know Kim personally, pero wala akong sina-suggest. Hindi na uso ang tampo-tampo. ’Wag na akong isali diyan, big­yan ako ng respeto,” pakiusap ni Sharon.

Pinagtawanan lang ni Sharon ang balitang mag­babayad siya ng P20 million para ibigay sa kanya ang sex video “raw” nina KC Concepcion at Dr. Hayden Kho, Jr.

Sabi ni Mega, “Hindi namin pinag-usapan sa bahay ang isyung ’yan at pinagtawanan lang namin dahil hindi totoo. Ang dami kong binabayaran para mag­bayad ng P20 million, bakit ako magbabayad? Ipakukulong ko na lang.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES