Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, July 12, 2009

Valerie Concepcion ayaw nang pag-usapan si Cristine

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang di-umano’y pagkakaroon ng gap nina RR Enriquez at Valerie Concepcion. Ayaw naming maniwala. Kapag nakikita namin sila sa studio ng Wowowee, madalas ay nagti-chikahan naman sila, kaya for us ay imposible ang intrigang mayroon silang gap. Kung ating matatandaan, nagkaroon ng isyu sa pagitan nina RR, Cristine Reyes at Pokwang ilang linggo na ang na-kararaan. Nagsimula ang iri-ngan ng tatlo sa sitcom nilang Banana Split, hanggang nagka-gap sila at nauwi pa sa pag-alis ni Cristine sa naturang sitcom. At lumabas ang balitang si Cristine ang diumano’y kinakampihan ni Valerie kung kaya na-apektuhan daw ang sama-han nila ni RR.

“Ay naku, wala kaming away o tampuhan. Nag-hang-out pa kami, nanood ng basketball,” sabi ni RR.

Muli ay nilinaw ni RR na wala silang gap ni Val at napakababaw naman daw kung maaapektuhan ang friendship nila dahil lang sa away nila ni Cristine.

Dagdag pa ni RR, hindi na lang nila pinag-uusapan ni Valerie si Cristine bilang respeto na lang umano kay Val dahil alam ni RR na close nga siya sa kinaiinisang aktres. Si Valerie naman ay nakikinig lang from a distance. Napapangiti na lang siya sa sinasabi ni RR. Tinanong namin ulit si RR kung kahit ba noong height ng isyu nila ni Cristine ay never silang nagkaroon ng ilangan factor ni Val.

“Never. Alam ni Valerie na may gap kami ni Cristine at alam ko rin na kaibigan niya si Cristine. Kami ni Val, wala kaming gap or something,” paglilinaw pa ni RR.
Paano kapag nagkita ka-yong muli ni Cristine? Babatiin ba niya ang aktres?

“Babatiin. Ako naman, makakatingin nang diretso sa kanya dahil wala akong ginagawang masama,” ma-riing pahayag pa ni RR.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES