Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, August 13, 2009

Aga at Charlene sa Camsur nagpa-party

Hmmm, feeling ko malapit nang maging Bicolano si Aga Muhlach. Super favorite niya ang Pili, Camarines Sur. Minsan, inaabot siya ng one week or five days para mag-wake boarding kasama ang mga kaibigan.

Madalas din niyang kasama ang maganda niyang misis na si Charlene Gonzales at kambal na sina Atasha at Andres.

Kaya nga dito siya nag-celebrate ng birthday kahapon (August 12) kasama ang malalapit na kaibigan.

Kasama ni Aga ang buong pamilya — Charlene, Atasha and Andres, ang anak niyang si Luigi na kasama ang non-showbiz girlfriend na sexy, ang pamilya ni Arlene Muhlach, Albert and Liezl Martinez (na bumalik na sa dati ang katawan at wala na sa hitsura na nagkasakit) kasama ang anak nilang stylist na pala ng Star Magic, ang kapatid ng aktor na Albert din ang name, Mommy Elvie Gonzales, at malalapit na kaibigan like Mons and Sander Tantoco, Serafin Pua, Fr. Tito Caluag, direk Joyce Bernal, Joross Gamboa (na madalas kalaro ng kambal na sina Atasha and Andres), at marami pang kaibigan ng mag-asawang Aga at Charlene. Aabot sa 80 ang hinakot ng mag-asawa sa CWC Club House sa CamSur na isa nang tourist destination.

Last Tuesday pa sila dumating.

Kasama sa itinerary sa first day ang lesson on wakeboarding.

Second day, cable opens 8 a.m. para mag-wakeboard.

Buong araw ang tsikahan, kainan at water sports kahapon sa birthday ni Aga.

Pinapanood namin siyang mag-wakeboard. Ang galing na niya. Actually, kahit naman si Charlene.

Pero nang sandali naming makausap si Aga, sa Batangas pa rin daw siya. May property sila sa Mataas na Bato na madalas din nilang bakasyunan.

Ginagawa na ni Aga ang pelikula with Regine Velasquez sa Viva Films at malamang ay simulan na rin niya ang movie with Angel Locsin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES