Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 04, 2009

Boy Abunda in charge sa necrological ni Tita Cory

Akala namin ay naulit ang EDSA People Power nang pumunta kami sa wake ni dating Pangulong Cory Aquino sa La Salle gym last Sunday. Mula sa kanto ng Ortigas-Edsa ay nakapila na ang taong gustong magbigay ng respeto sa yumaong leader.

Take note na mula sa kanto ay malayo pa ang La Salle. Ganu’n kahaba ang pila.

Pagpasok namin sa loob ng gym, magugulat ka naman dahil tahimik lang ang mga tao habang nakapila’t naghihintay ng turn nila na masilip si Tita Cory.

Well-organized ang public viewing at laging may nakaantabay na security para i-assist ka kapag namamali ka ng lakad.

Sa wake ay makikita mo ang lahat ng klase ng tao. Mula sa politika, sa showbiz at mga ordinaryong tao. Dito mo makikitang nagkakabungguang-balikat ang mga matataas at karaniwang tao.

Maging ang mga artistang gustong masilip si Tita Cory ay nakapila sa gitna ng masa. Pumila nga sina Maricel Laxa at asawang si Anthony Pangilinan. Nakita rin naming nakapila si Aaron Villaflor ng ABS-CBN.

Hindi na namin inabutan pero dumating din daw sina Sharon Cuneta kasama ang asawang si Sen. Francis at anak na si Kc Concepcion.

Sa mismong wake nag-show ang The Buzz last Sunday bilang special coverage at tribute na rin para kay Tita Cory. Naabutan naming kinakapanayam ni Boy Abunda si Kris in her first exclusive interview hinggil sa pagyao ng ina.

Pagkatapos ng The Buzz ay sumalang na si Kris sa interview naman ni Jessica Sojo na live ring inere sa programa niya sa GMA-7 nang sandaling iyon.

Kami naman ay kinapanayam muna namin si Kuya Boy na may mahalagang papel na ginagampanan sa memorial service ni Tita Cory kaya abalang-abala rin siya.

“I’m in charge of the necrological service sa Manila Cathedral on Tuesday (tonight), 4-6 p.m. I’m organizing all the speakers, I’m talking to them, at sa 20, tatatlo pa lang ang aking nakakausap. Hindi pa puwedeng i-divulge kung sinu-sino ang magsasalita kasi iniisa-isa ko rin ang magkakapatid dahil lahat ng pangalan na ito ay dapat approved ng lima (mga anak ni Tita Cory),” pahayag ni Kuya Boy.

Sabihin pa, parang parte na rin talaga ng pamilya ang TV host na katu-katulong ng mga pinsan ni Kris sa pagsasaayos ng lahat ng kailangan.

“Naghati-hati kami ng mga trabaho ng mga pinsan ni Kris, may mga naka-assign din sa iba, ako, ang nakatoka sa akin, ’yung necrological service kung saan ay magsasalita ang mga taong malalapit kay Tita Cory, may mga performers, and Channel 2 is also helping us organize it.”

Sa aming panayam kay Kuya Boy ay naibahagi niya sa amin ang last hours ni Tita Cory kung saan ay naroroon siya mismo sa Makati Medical Center .

“August 1, alas-dos ng madaling araw, pumunta ako (sa Makati Med) dahil the night before that, before I did SNN, sabi ni Kris, ‘magdala ka na ng mga damit, kasi baka samahan mo ako’, so nagbaon na ko, this is July 31.

“So, that’s what I did, nagdala ako ng mga damit. So, Friday night, I was waiting for her call, sabi ko, baka nakatulog. So, I decided to go to the hospital at 2:00 in the morning. Naupo lang ako sa labas, nag-antay-antay, kausap ko ang mga guwardiya ni Tita Cory, sila Mel.

“Tapos, after a while, lumabas ’yung nurse, pinalabas ko si Jasmine, ’yung isang kasambahay nina Kris, sabi ko, kumusta si Tita, ayoko kasing pumasok, kasi madilim, tapos, I decided to go, dumaan ako sa fruitstand, bumili ng prutas para sa nanay ko pag-uwi ko.

“When I was at the fruitstand, Kris learned that I was at the hospital outside the room. But before this, pumunta na ako, sabi ni Kris, come back. Alam ko na, I rushed back to the Makati Med.

“Iniiwasan ko kasi, ’di ba, sa mga report, pagpasok ko ng alas-dos, siyempre, nagkakagulo na ang press sa labas. Kasi parang irregular ang movement namin, bakit ako dumating ng alas-dos, bakit ako bumalik, ’di ba?

“So, bumalik ako. Paglabas ko ng elevator sa 9th floor which is a few meters away from the room, my phone rang, ‘mommy’s gone’ (sabi ni Kris).

“So, nandu’n ako lahat-lahat hanggang…nandu’n kami, hindi ko hiniwalayan si Kris, this is mga 3:18 in the morning hanggang ala-una ng hapon. Sa morgue, magkasama kami, sa Heritage, lahat.”

Ayon kay Kuya Boy, Tita Cory died in her sleep habang nagrorosaryo ang magkakapatid at iba pang nasa room.

“Du’n sa firth mystery, sorrowful mystery, doon siya… she took her last deep breath and then… But she was smiling daw,” pahayag pa ni Kuya Boy.

In his personal experience, dalawang bagay daw ang hindi niya makakalimutan kay Tita Cory.

“When Kris and I hosted the Aquino Center’s opening in Tarlac, binigyan niya ako ng painting at sinabi niya, “huwag mo ibenta ’yan, ha, ’pag namatay ako, mahal ’yan.” ’Yun ang sense of humor ni Tita Cory.

“Second, nun’g first b-day ni Baby James sa bahay ni Kris, nun’g ini-interview ko sila for The Buzz, na lumabas ako dahil for the first time, nakita ko siyang (Tita Cory) umiyak.

“Hindi ko…(kinaya). She was not crying because of pain, she was crying because parang she was touched by the people’s love, ’yung mga dasal sa kanya, kasi may sakit na siya noon.

“Of course, ito ngayong pagsasama namin ni Kris hanggang sa huling sandali, sa Heritage, sa morge, I will never forget this moment in my life.”

Sayang at hindi na namin nakausap si Kris dahil pagkatapos ng interview ni Jessica ay nagkaroon na ng mass at mukhang pagod na rin ang TV host/actress kaya hindi na namin siya inabala pa.

Nakita rin namin si Sen. Bong Revilla kasama ang asawang si Lani Mercado, Christian Bautista, Mark Bautista at Jericho Rosales na kasama naman ang anak na si Santino.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES