Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 05, 2009

Bro at Santino, panalo!

Panalo pala ang tambalan nina Bro at Santino sa May Bukas Pa dahil sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas ng serye ay hindi na ito naalis sa top post ng Philippine Primetime TV ratings ayon sa nationwide survey results ng Taylor Nelson Sofres.

Bahagi ng tagumpay ng serye ang maraming malalaking artista na bumubuo ng cast nito : Zaijian Jaranilla bilang Santino at nagsisilbing instrumento ni Bro sa paggawa ng mga milagro, Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maja Salvador, Rayver Cruz, Dominic Ochoa, Lito Pimentel, Desiree del Valle, Arlene Muhlach, Ogie Diaz, Jaime Fabregas, Ron Morales, David Chua, Victor Basa, Ruben Gonzaga, Badji Mortiz at Liza Lorena.

Habang nagtatagal ang serye, palaki nang palaki ang mga artista na naggi-guest dito - Susan Roces, Lorna Tolentino, Claudine Barretto, Aiai delas Alas, Gabby Concepcion,Christopher de Leon, KC Concepcion, Toni Gonzaga, John Estrada, Anne Curtis, Cristine Reyes, Maricar Reyes, Gardo Versoza, Johnny Delgado, Robert Arevalo, Dante Rivero, Boots Anson Roa at Vhong Navarro.

Bilang thank you ng serye sa marami nilang mano­nood, susunod na guest si Dolphy. Bagaman at iti­nuturing na hari ng komedya, tatangkain ni Dolphy na patawanin at paiyakin ang mga manonood ng ser­ye sa kanyang natatanging pagganap sa nasabing palabas.

Patunay din ng tagumpay ng serye ang guma­gandang buhay ng pangunahing cast nito na si San­tino. Meron na itong sariling bahay at lupa sa Timog.

Baka sa susunod ay sariling kotse naman na siya pa rin niyang pinaka-pangarap sa buhay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES