Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 21, 2009

Cristine Reyes makes peace with Angelica Panganiban

SI Cristine Reyes na ang gumawa ng paraan para sila ay magkabati ni Angelica Panganiban.

Pumunta mismo si Cristine sa bahay ni Angelica kamakailan kasama ang common friend nilang si Ketchup Eusebio. Sa masinsinang pag-uusap ng dalawang sexy at magandang actresses ay nagkasundo na sila. Kaya alls well that ends na sa dalawang dalaga.

Ani Cristine: “Pumunta ako sa house niya (Angelica). Nang duma-ting na ako ru’n, nag-hug kami at sabi ko, ‘Nakakainis ka sobrang emotional ako. Nakaka-inis ka, sobra akong nag-tampo sa ‘yo.”

Natutuwa ang dalawa dahil nagkaayos na sila. Sabi nga ni Angelica: “’Yon naman ang sina-sabi namin noon pa eh, sobrang nagka-misunderstanding lang kaming dalawa. Maganda rin na pinalipas muna namin ‘yong init ng issue. May magandang opportunity naman para makapag-usap kami. Hinarap namin ‘yong isa’t isa na parang walang nangyari.”

Ang tanong ngayon, kelan naman kaya magkakaayos sina Cristine, RR Enriquez at Pokwang na kasamahan din dati ng una sa Banana Split. Si Cristine din kaya ang ga-gawa ng move para sila’y magkaayos na tatlo?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES