Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 02, 2009

Cristine Reyes sinisisi ni Ara Mina sa magulong showbiz career

VERY vocal si Ara Mina, na nagbabalik-taping sa Bubble Gang, tungkol sa nararamdaman niya sa kapatid na si Cristine Reyes. Marami kasi ang nakapapansin na tila walang direksyon ang takbo ng showbiz career ng newly crowned FHM’s sexiest Pinay.

“Nanghihinayang ako,” sambit ni Ara minsang makatsikahan namin. “Para masira lang siya sa isang lovelife. Huwag ganyan! Tigilan ako! Mas grabe pa diyan ang pinagdaanan ko. Wala ito sa kalingkingan ng pinagdaanan ko.

“Kaya lang para sirain mo ang buhay at career mo dahil lang sa isang lalaki, no way. I don’t have anything against the guy, pero marami naman diyang lalaki ‘di ba?” kuwento ni Ara na ang tinutukoy ay ang pakikipaghiwalay ni Cristine sa aktor na si Dennis Trillo.

Ayon pa kay Ara, hindi niya sinisisi si Dennis kung bakit ganito ang takbo ng utak ng nakababata niyang kapatid.

“Actually, wala namang magagawa si Dennis kung anuman ang gustong gawin ni Cristine. Kumbaga, choice ‘yon ni Cristine. Ang sa akin lang, sana tama ‘yong ginagawa niya for her,” sambit pa ni Ara na may himig na panunumbat kay Dennis Trillo. Sawa na ba si Ara sa pangangaral kay Cristine?

“Wala namang sawa factor,” Ara admits. “Ibinibigay ko lang ang gusto niyang mangyari. Kung ito ang gusto niyang mangyari sa career niya, pababayaan ko siya. The last time na nag-away kami, sabi niya, huwag daw akong makikialam.”

May matindi ba silang pinag-awayan ni Cristine?

“Parang ang feeling ko, pakiramdam niya (Cristine), mas paborito ako ng mommy ko (Mommy Klenk), from what I heard sa kuwento ng mommy ko.”

Nagseselos ba?

“Nagseselos? Siguro, kasi hindi mo rin maiaalis ‘yon. Kasi panganay ako. Well, siya naman ‘yong second to the last na bunsong babae. Pero dapat walang competition sa amin. Ako na-man, hindi ako naging number one sa FHM. Pe-ro okey lang sa akin. Kumbaga, you can’t have it all,” paliwanag ni Ara.

Idinagdag pa ni Ara na kahit may ‘tampuhan’na naman sila ni Cristine, bunsong kapatid pa rin daw niya ito. At sana raw, huwag makalimutan ni Cristine na Ate pa rin siya nito.

“Andito lang ako for her. Na handa ko siyang protektahan dahil ma-tagal na ako sa industriya. Ang showbiz, talagang mapusok at magulo. Kung hindi matibay ang dibdib mo, hindi ka tatagal,” sambit pa ni Ara.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES