Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 19, 2009

Dahil May Isang Ikaw, malapit na

Ang pinakahihintay na pagbabalik sa telebisyon nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion ay malapit nang masilayan sa kanilang primetime series na Dahil May Isang Ikaw simula sa Agosto 24 sa ABS-CBN. Tinitiyak itong magmamarka sa kasaysayan ng Philippine TV dahil sa parehong galing ng dalawang aktor sa drama.

“It’s an honor to direct two of the best artists in the industry. Ibang klase talaga. We learn from each other kasi. Their meaningful experience in their fields emanate through their acting,” sabi ni direk Jerry Lopez Sineneng sa de kalibreng artista niya.

Masaya naman si LT na makikipagtrabahong muli kay Gabby.

“Matagal-tagal rin kami na hindi nagkasama sa isang project. Kaya naman noong malaman ko na I will be paired up with Gabo again, natuwa talaga ako,” sabi ng grand slam actress na gaganap na matapang at agresibong abogadong si Jessa.

Sagot naman ni Gabby sa co-star, “It’s always a pleasure working with Lorna. Magaan kasing katrabaho si LT ever since eh.”

Gagampanan ng aktor ang papel ni Daniel, ang unang nagpatibok ng puso ni Jessa.

Bukod sa dalawang pangunahing artista, sinuri ring mabuti ang iba pa sa cast ng Dahil May Isang Ikaw. Kasama dito sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Chin Chin Gutierrez, John Estrada, Karylle, at Sid Lucero.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES