Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 28, 2009

Direk Olive, natulala kay Luis

Inamin ni Direk Olive Lamasan na talagang natulala siya nang unang tanggihan ni Luis Manzano ang In My Life.

Naisip daw niya ang aktor na i-cast sa pelikula hindi dahil sa anak ito ni Vilma Santos kundi talagang nakita niyang bagay ito para sa role na Mark.

“I really see something in him for the role. ’Yung vulnerability, ’yung sensitivity na kailangan ko rito sa karakter na ito, nakikita ko sa kanya.

“So, when I pitched it to him, I was really confident that he would accept it because you know, it’s an opportunity for him to work with his mother, it’s an opportunity for him to work in a drama.

“But I got the shock of my life, when he said ‘no’ outright. He said ‘no, I will not do it.’ At natulala talaga ako, natulala kami nina Malou (Santos of Star Cinema) at saka ni June (Rufino, manager ni Luis).

“Sabi ko, ‘Ha?,’ sabi naman niya ‘yeah, no, no, no.’ So, I have to accept that, I have to respect that, and as Ate Vi nga was saying, talagang sinabi niya na hindi niya pakikialaman (kung anuman ang desisyon ni Luis).

“So, sabi ko, ‘wow, nagkaroon ako ng problema, sino ika-cast ko after?’ Sabi ni ano, ‘hindi, pakiusapan natin,’ so, sabi ko kay Luis, ‘read the script first, pagmuni-munihan mo, then, magbalik tayo kung gusto mo ’yung role, kung gagawin mo o hindi. ’Pag sinabi mong hindi, I will accept that.’

“So, natuwa naman ako na the next meeting, after having read the script, he said ‘yes’ to me,” mahabang kuwento ni Direk Olive.

Nang tanungin naman si Luis kung ano ang nakapagpabago ng kanyang desisyon, pagbibiro niya ay nagpataas lang siya ng presyo.

“Hindi, kasi, siguro at first, when it was presented to me, of course, it’s not that wala akong tiwala kay Direk Olive, it’s not that. Kasi siyempre, iba ’yung ine-explain sa ’yo, iba ’yung nakikita mong may hard copy ka kung ano ang gagawin mo.

“And of course, it’s not everyday na natatapunan ako ng ganitong mabigat na role, gay role pa. Tapos, of course, I knew, kahit paano, na there had to be some intimacy between John Lloyd and I. It’s not everyday na nangyayari sa ’yo ’yon, so, it came as a shocker.

“Pero kagaya nga ng sinabi ni Direk Olive, after reading the script, understanding my character, na kung may intimate scenes, it’s definitely kailangan na kailangan sa istorya para mas believable dahil alam naming napakatalino ng audience, mas na-appreciate ko ang istorya, ang bawat karakter, and para sa akin, it was a ‘yes or yes’ answer,” sabi ni Luis.

True enough, tama ang foresight ni Direk Olive na babagay kay Luis ang role dahil sa trailer pa lang, kinakitaan na ang anak ni Vilma ng sensitivity as an actor.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES