Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 19, 2009

Gabby kay Piolo: Don’t call me Pops, call me Kuya!

Cool lang dating ni Gabby Concepcion sa ideyang magkaroon ng relasyon ang anak na si KC Concepcion kay Piolo Pascual.

Isang solo presscon ang ibinigay ng Dos para sa aktor para sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw at doon ay sinabi ni Gabby na wala siyang tutol kung sakaling si Piolo ang lalaking mapa-lad na iibigin ng anak.

Wala rin siyang nakikitang masama kung nanliligaw man si Piolo kay KC.

“Nagkita na nga kami recently, eh, (sa isang event sa The Fort). Nagbiruan pa nga kami. Sabi ko pa sa kanya, just don’t call me Pops, Just call me Kuya. Ha!ha!ha!” natatawang kuwento ni Gabby.

Tinanong din si Gabby, kung may namamagitan na ba sa anak niya at kay Piolo?

“Hindi ko alam,eh. Hindi ko siya pinakikialaman ‘pag dating sa mga ganyang bagay. Saka ako, wala naman akong tutol kay Piolo. He’s a nice guy, a good boy and he goes to church,” sagit ni Gabby.

Hindi rin maitago ni Gabby ang excitement sa muli nilang pagtatambal ni Lorna Tolentino sa telebisyon.

Reunion project daw nila ito pagkatapos ng mara-ming taon.

In the past, marami silang pinagtambalan ni LT na pelikula at karamihan ay award-winning films pa.

Tinanong namin si Gabby kung kamusta ang pagta-trabaho nilang muli ni LT?

“Thrilling, exciting, exhilarating. Lahat ng magaganda at magaan sa pakiramdam, ‘yun ang nara-ramdaman ko sa muli na-ming pagsasama ni Lorna,” sabi ng aktor.

Hindi lang sa Dahil May Isang Ikaw bahagi si Gabby.

He’s now part of Star Magic, pero aniya, unofficial pa naman daw ang lahat.

Nu’ng tanungin si Gabby tungkol sa bagay na ito, idinepensa ng aktor na tinutulungan daw siya ng Star Magic since wala ngang nagha-handle sa kanyang career.

Mahihirapan nga naman siyang ayusin ang kanyang scehdule lalo pa’t may teleserye siya ngayon.

Naikuwento pa ni Gabby na matagal nang kaibigan ng pamilya nila si Johnny Manahan, at nalaman daw ni Mr. M na kailangan niya ng tulong.

Muli, iginiit ni Gabby na everything is unofficial.

Tinanong din si Gabby tungkol sa relasyon niya sa dating manager.

Aniya, sa ngayon ay ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol dito pero ang alam niyang maayos din ang lahat.

In his heart, wala na umano silang professional relationship ni Mommy Rose Flaminiano, na dati niyang manager.

Abangan ang pagbabalik ng original na heart throb sa Dahil May Isang Ikaw, mapapanood na sa Agosto 24, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES