Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, August 01, 2009

Gerald Anderson di sanay na hindi si Kim ang hinahalikan!

Inamin ni Gerald Anderson na naninibago siya na for the first time ay hindi si Kim Chiu ang kapareha niya sa Tiagong Akyat, Mga Alamat ni Ramon Revilla, isa sa apat na pelikula ni Ramon Revilla na isinalin sa telebisyon.

“Siguradong magwawala ang mga Kimeralds (isang grupo ng mga panatikong tagahanga nila ng ka-loveteam niyang si Kim) dahil mahal nila kami. Kami lamang ni Kim ang gusto nilang magkasama. Bahagi ito ng growth namin ni Kim bilang artista kaya sana suportahan din nila kahit hindi kami magkasama. Sana andidyan pa rin sila,” dasal niya.

Bukod sa mapapasabak siya sa aksiyon sa serye kung kaya nagti-training siya sa Parkour, isang athletic discipline, isang art of moving using only his body, meron ding kissing scene si Gerald kay Erich Gonzales.

Nilinaw ng aktor na hindi totoong ni-request niya na makapareha si Erich, ito ay desisyon ng management. During the presscon for the serye, binanggit niya ang pangalan ng dalaga na isa sa mga gusto niyang makapareha. Kaya ipinalagay ng marami na may saloobin siya sa batang aktres na itinanggi niya.

Bagaman at nagsimula siyang mag-aksyon sa Tayong Dalawa, sinabi ni Gerald na malaki ang pagkakaiba ng dalawa niyang role na JR Garcia at Santiago Ronquillo o Tiagong Akyat.

“Bilang sundalo, masyadong seryoso si JR at malalim, pero si Tiago ay makulit, may pagka-komedyante. At dahil pambata, ibang atake ang gagawin ko sa character niya,” sabi ng aktor na isang magnanakaw sa serye, pero lahat ng ninanakaw niya ay ang mga mahihirap ang nabibiyayaan.

Palabas na ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Tiagong Akyat sa Agosto 15 sa direksyon ni Dondon Santos.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES