Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 12, 2009

Karylle nami-miss nang maging masaya

Sinabi ni Karylle sa presscon ng bago niyang en­dorsement na Pink Water Body Spray na miss na miss na niya ang maging masaya. Mag-iisang taon na rin since maghiwalay sila ni Dingdong Dan­tes at masaya siyang sabihin na naka-move on na siya finally.

“Kung may konti pang galit, masaya ako na nai­lalabas ko na ito. Unlike before na itinatago ko lang sa loob. Nagtanung-tanong ako sa mga kaibigan at kakilala kung paano nila ginamot ang mga sarili nila. After almost a year, eto masaya na ako. Na-miss ko rin pala ang maging masaya, it’s a good past, ma­sayang alalahanin nang walang sakit,” sabi niya.

Madali ang healing process ni Karylle, may ka­tulong siya. Ang kanyang trabaho sa bago niyang bahay. Ang mga ito, pati ang mga bagong friends na na-meet niya, sila ang nagpabilis ng healing pro­cess niya.

Sinabi ni Karylle na wala pa siyang manliligaw pero, marami siyang friends. They go on group dates. Nanonood din siya ng sine, hindi alone, may mga kasama rin. Like when she watched The Proposal, marami ang naniniwalang she was with a manliligaw pero, di lang ma-pinpoint kung sino dahil marami sila.

“Wala akong manliligaw ngayon but I have friends na lalaki na nakakasama ko sa labas. Like when I went to see The Proposal. Pero walang commitment, talagang wholesome fun lang,” dagdag pa ng aktres na nali-link din kay Coco Martin dahil lamang nanood siya ng Kinatay na nakasali sa Cannes at kung saan nanalong best director si Brillante Mendoza.

“The director is the reason why I saw the film. Pero nagalingan din ako kay Coco Martin pero hindi kami magkakilala, hindi ko pa siya nami-meet per­so­nally,” paliwanag pa niya.

Abalang-abala siya ngayon dahil bukod sa mga gues­tings niya sa mga shows ng ABS-CBN, malapit nang mapanood ang Dahil May Isang Ikaw na mag­babalik sa little screen ng tambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Kasama rin sa bagong series si Lorna Tolentino na sinabi niyang ninang niya sa binyag, at sina Gabby Concepcion, John Estrada, Sid Lucero, Chin Chin Gutierrez at marami pang iba. Sila ni Kristine ang magkasabay na mai-in love kay Echo.

May album din na pino-promote ang bagong Kapamilya from PolyEast Records, ang Time for Losing You.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES