Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, August 27, 2009

KC Concepcion isn’t ready for a relationship for now

Handa na si KC Concepcion sa nalalapit na 2010 election. Kamakailan ay na-headline ang kanyang pagpapa-register bilang isang voter. “Nag-regsiter ako para next election boboto ako. Actually, trinansfer ko lang ‘yung absentee voter ko sa abroad,” bungad ni KC nu’ng makausap namin siya sa third quarter trade launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN sa NBC Tent, The Fort.

Hinala ng iba may kinalaman ang pagpapa-register ni KC sa Pilipinas sa nababalitang pagtakbo ng kanyang stepfather na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa darating na halalan bilang Bise-Presidente. “Hindi ako makakampanya ngayon kasi bawal for now. Pero next [year] pwede,” lahad ni KC.

Tinanong namin si KC kung nagkausap ba sila ng kaniyang amang si Gabby Concepcion during the trade launch dahil magkatabi lang ang dressing room na naka-assign sa kanila “Ay, kanina. Sobra kaming nagtsikahan. Tuwing magkikita kami tinitingnan namin ang mga daliri namin kung ano ‘yung parehas, ‘yung mata namin at ‘yung buhok namin parehong-pareho. Parang every time na magkikita kami, parang first time naming magkikita.”

Mas okay ba sa kanya na sinasabing mas kamukha niya ang kanyang ama kesa kanyang inang si Sharon Cuneta? “E, kung mukha pa rin akong babae, opo naman. Kaya laging mahaba ang buhok ko. Siguro ‘pag nagpagupit ako malamang mukha akong lalaki, tisoy na lalaki,” sabay tawa ni KC.

Marami naman ang nakapansin na tila nawala sa eksena ang unang leading man ni KC na si Richard Gutierrez lalo pa’t nababalitang nanliligaw sa kanya ngayon ang leading man niya na si Piolo Pascual sa kanyang first ever teleserye na Lovers in Paris. “Hindi ko nga alam na nililigawan niya ako if totoong nililigawan niya ako since For The First Time days bumibista siya, nagdadala siya ng cake. Well, kasi kaibigan din niya ‘yung cinematographer namin. Then, si Direk Joyce (Bernal). ‘Yun ‘yung excuse niya na pinupuntahan niya [nun].”

Ibig sabihin ba nito ay hindi pa nagsasabi sa kanya si Piolo na gusto siya ng binata? “Uhm, well, inanounce naman niya sa buong Pilipinas, so, I guess. Ang importante sa akin ang makita lang na sincere siya. Walang kamera, ganu’n,” ngiti ni KC.

Hindi din masagot ng dalaga kung kakailanganin ba ng matagal na panahon upang masagot niya ang kanyang leading man. “I don’t know. I mean, depende rin kung ano ang importante sa akin, ano ang importante sa kanya.”

At para kay KC, ang kanyang career ang kanyang priority sa ngayon. “‘Yun nga po, ‘yung teleserye talaga. Career for now. Kasi I’m in my 20s, sana in my late 20s kapag medyo maganda na ang work ko, doon ako makaka-settle down.”

Kahit man nasasabing boto ang kanyang ina kay Piolo ay hindi pa rin nagmamadali si KC. “Kaya nga lagi ko siyang nire-remind na, ‘Ma, hindi na ganu’n na bata kinakasal ‘yung mga tao. We have to wait.’ Parang marami pa kaming gustong gawin, ganu’n. But I know kasi when I get in a relationship sobra kong priority ‘yung lalaki. So, gusto ko ganu’n din. So, sana magkatugma ‘yung priorities naming dalawa. ‘Yun ang ibig ko’ng sabihin. Pero ‘yun ay pang serious relationship na. Nanliligaw pa lang siya.”

Sa ngayon ay excited na siya para sa premiere ng Lovers in Paris sa susunod na buwan. “Ninenerbyos din po kasi parang sana ma-accept ng tao. Sana ma-accept nila ang version namin. ‘Yung version namin ng mga characters, ‘yung version namin ng mga istorya, lahat. Kasi ang laki ng pressure na naging isa siyang major hit. Pero ‘yung sa amin naman mas emotional ‘yung sa atin. ‘Di ba kasi minsan luka-lukahan si Vivian (ang kanyang character)? So, mas maganda, mas makapal ang istorya natin dito. Kasi ang mga Pinoy mahilig sa drama,” tapos ni KC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES