Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 26, 2009

Kimmy Dora ni Piolo mapapanood na sa SM Cinemas

HINDI na pala Star Cinema ang magdi-distribute ng pelikulang produced nina Piolo Pascual, Joyce Bernal at Erik Raymundo ng Spring Films na Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme, kundi ang Solar Films na.

Ang naturang desisyon ay ini-announce ng grupo ni Piolo kamakailan dahil nababahala ang mga ito na baka hindi maipalabas sa SM Cinemas ang kanilang pelikula dahil sa isyung namamagitan sa SM Cinemas at ng Star Cinema.

“Through the help of Tita Malou Santos of Star Cinema, sa kagandahang-loob din niya na huwag na kaming madamay sa conflict between them (Star Cinema and SM Cinemas). Hindi naman po kasi kami produced ng Star Cinema, it’s Spring Films and we need more exposure. Si Ma’m Malou Santos na rin po ang may sabi na lumapit na lang kami sa iba para maipalabas sa SM,” say ni Piolo.

Aminado naman ang actor na maraming naitulong ang Star Cinema para sa Kimmy Dora kung publicities ang pag-uusapan.

“Nagpapasalamat po ako dahil sobrang dami ang naitulong nila sa amin. Lalo na sa akin not as an actor at bilang producer. Malaki ang utang na loob ko dahil hindi nila ako binibigo kapag lumalapit ako,” ani Piolo.

Showing na ang Kimmy Dora sa September 2 in theaters nationwide.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES