Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 30, 2009

Luis Manzano, kay John Lloyd lang magpapahalik

May isang very memorable scene si Luis Manzano sa trailer ng In My Life na ipinapakita at ito ay ang eksena niya with his mom, Vilma Santos kung saan ay umiiyak niyang ipinagtatapat ang kanyang sakit na cancer.

Naitawid ni Luis nang mahusay ang eksenang iyon kaya naman natanong siya sa presscon recently kung ano ang preparasyong ginawa niya before the scene at kung hindi ba siya nakaramdam ng takot na makakaeksena niya ang kanyang ina.

“Nu’ng first day na kukunan namin dapat ’yun, iba ’yung kaba ko, wala akong kinakausap sa set, naka-Ipod lang ako. Pero hindi gumanda ang panahon nu’n, nagtuluy-tuloy ang ulan, so na-pack-up yung eksena na ‘yun.

“I really prayed for that scene, kasi alam kong it would be one of the highlights para sa akin ng karakter ko, so I really, really prayed for that scene, halos lahat ng adoration chapel, napuntahan ko.

“Tapos, nung kukunan na, of course, Direk Olive (Lamasan) had to explain ’yung pinanggalingan, kinausap pa niya ako before the actual scene, kaya pinapunta ako ng mas maaga sa set.

“Pero throughout that scene, bawat galaw du’n, bawat luha, nag-base ako sa nararamdaman talaga ni Mark para sa mommy niya,” mahabang kuwento ni Luis.

Para sa aktor, never daw niyang na-imagine na makakatrabaho niya ang mommy niya sa isang pelikula komo nga nalinya siya sa hosting agad.

“It's surreal, because noong magkasama kami sa iisang bahay, hindi sa pag-aano, wala po kayong idea kung gaano karami ang trophies ang nasa bahay.

“Sa sala, merong at least 12 trophies, sa baba, marami pa. And you know, each day never passes na wala akong nakikita or I go to work at sinasabi na talagang hanga sila sa Mommy ko.

"So, the fact na makakasama ko na siya as an actor, it was surreal. I have to turn on the switch na kailangan kong kalimutan at one point na ako yung anak and that I have a character to portray, a role to portray. But after a while, of course pag sinabing cut ni Direk, kahit papaano bumabalik na ako sa pagiging Luis.

"But then I realize na, 'Wow, I'm working with my Mom, slash, the Vilma Santos!' Everyone has been raving about it for me. Of course, not just for me, but pretty much every one else around na she's one of the greatest in front of the camera,” say pa ni Luis.

Aside from his acting, talk of the town din ang kissing scene nina Luis at John Lloyd Cruz. Ang nakakatuwang punchline ni Lucky, “I wouldn’t do any other kissing scene with any actor except John Lloyd Cruz!”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES