Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 28, 2009

Nikki Gil tambak ang trabaho sa Dos

NAGDIWANG ng 22nd birthday ang Star Magic talent na si Nikki Gil noong August 23.

Maliban sa isang espesyal na song and dance number kasama ang boyfriend na si Billy Crawford sa ASAP ’09, nagdiwang din si Nikki kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Isa sa birthday wishes ni Nikki ay ang makapag-tour sa Europe at magkaroon ng marami pang shows. Puwede siguro niyang yayain si Billy na samahan siya, tutal naman, bihasang-bihasa na siya sa parteng iyon ng daigdig.

After all, aminado at hindi na itinatanggi ng dalaga na masaya siya sa kanyang buhay pamilya at pag-ibig.

Pagdating sa career, masasabing malayo na nga ang narating ng dating softdrink commercial model. Isa na siya ngayon sa mga hinahangaang artista at mang-aawit sa industriya.

Hindi lamang sa ’Pinas nakikilala ang galing ni Nikki dahil maging sa abroad, napansin na ang kanyang galing bilang singer.

Regular nga pala siyang napapanood sa ASAP ’09 at sa MYX channel.

Bukod sa pag-awit, isa si Nikki sa mga leading lady ng ABS-CBN shows. Gumanap siya bilang Guia sa Pieta kapareha ni Ryan Agoncillo.

Ang kanyang first MMK episode kasama ang real-life sweetheart na si Billy, nagtala ng isa sa mataas na ratings ng programa.

Sa kabila ng usap-usapang siya ay lilipat sa kabilang network, lalo pang patutunayan ng mga susunod na proyekto ni Nikki na walang katotohanan ang lahat ng tsikang ito.

Abangan ang Komiks Presents: Agimat kasama si Coco Martin at Nagsimula sa Puso kasama sina Coco, Maja Salvador at Jason Abalos.

Kaga-graduate lang ni Nikki ng kursong English Literature sa Ateneo de Manila University, kaya full blast na ang kanyang oras sa showbiz career.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES