Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 30, 2009

Nikki Gil walang pakialam kung natsitsismis na buntis

Mukhang nakakita si Billy Crawford ng isang maipagkakapuring nobya sa katauhan ni Nikki Gil.

Hindi ito napipikon kahit naiintrigang buntis at malaki ang ulo, tinatawanan na lang niya ito at uma­asang lalabas din ang totoo sa katagalan, na siya na­mang nangyayari ngayon.

Enjoy pareho sina Billy at Nikki sa kanilang relasyon. Sa halip na maging problema ang limang taong pagitan sa edad nila, naniniwala si Nikki na nakakatulong pa nga ito, dahil binibigyan nito ang kanyang boyfriend ng maturity para maintindihan siya at mapakibagayan ang kanyang kabataan.

Bagama’t ipinagmamalaki niya na highly rated ang unang pagsasama nila sa Maalaala Mo Kaya, natutuwa siya na wala silang teleserye na magbabawas ng kanilang time together. Sa halip nakakapag-dinner pa sila sa bahay ng isa’t isa, kasama ang kani-kanilang mga magulang.

“Okay kami sa aming relasyon. Ayaw na namin itong pabigatin. Tama na kung nagkakasama kami sa trabaho, best friends din kami,” sabi ni Nikki who will be starring with Coco Martin sa isang episode ng Komiks Presents Agimat at Nagsimula sa Puso.

Twenty two years old na si Nikki nung Aug. 23. Nag-dinner lamang sila ng kanyang pamilya kasama si Billy. Wish niyang makapag-travel sa Europe, kung saan naging sikat ang kanyang nobyo.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES