Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, August 05, 2009

Precious Lara Quigaman hindi apektado

Mukhang hindi naman apektado si Precious Lara Quigaman ng latest pagkakatsugi na naman sa kanya sa Wowowee. Sa thanksgiving party for the press ng May Bukas Pa, last Monday, masaya ang kanyang aura at nakikipagbiruan pa sa mga reporters.

“Kasi, parang paulit-ulit na lang,” say niya, “plus the fact na wala naman talaga akong ginagawang anything wrong, ’di ba? So, parang it’s not a big deal.”

Kamakailan kasi ay natsugi na naman si Lara sa Wowowee. Pangalawang pagkakataon na ito na matatandaang naging big issue pa ang una niyang pagkakatangal last year dahil ang itinuturong dahilan ay ang kanyang boyfriend.

Muli siyang pinabalik recently lang pero heto nga’t natsugi na naman siya. Nang makausap namin si Lara, tinanong namin sa kanya kung ano na naman ang nangyari this time.

“I was told, every Saturday, regular ako, plus the fact, inaayos na ang papers ko for one of the out-of-the country shows. So, I was thinking talaga regular na ko talaga every Saturday. And then, one Friday evening, we (sila ng manager niya) were told not to report the next day. The next week, we were told not to report again.

“So, my manager asked, ano ang reason. We were told na cost-cutting daw. So my manager said, okay.”

Hindi kaya may na-violate na naman siyang house rule?

“Hindi naman kasi clear ’yung mga house rule, so I don’t think mayroon akong na-violate. At sa tingin ko naman, hindi naman sila ganu’n ka-unprofessional para magtanggal or maglagay ng host dahil lang sa mga reasons na pangsarili lang.”

Tinatanong din ng press si Lara na baka may kinalaman na naman ang lovelife niya sa pagkaka-tsugi niya. Balita kasing nag-kakamabutihan na sila ni Marco Alcaraz at say ng dating beauty queen ay hindi naman daw siguro dahil lang doon.

“Sabi ko nga, hindi naman sila siguro ganu’n ka-unprofessional na mag-tanggal dahil lang sa boyfriend dahil I don’t think naman na bawal ang mag-boyfriend or mag-date.”

Tungkol sa pangala-wang beses niyang pagkakatanggal, ani Lara, siguro raw ay coincidence lang ang mga pangyayari. Kung sakali raw na kunin siya ulit, basta rin lang daw maluwag ang schedule niya ay tatanggapin niya.

“I want to be professional when it comes to work,” say pa niya.

Anyway, nagpapasalamat si Lara sa mga manonood na walang sawang sumusuporta sa May Bukas Pa. Ginagampanan niya sa nasabing no. 1 teleserye ang papel na policewoman at asawa ni Tonton Gutierrez.

Kamakailan ay tumanggap pa sila ni Tonton ng award mula sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pagbigay nila ng magandang imahe sa kapulisan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES