Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, August 30, 2009

Sam Milby, Maricar Reyes madalas mahuling magka-date

NakaGUgulat ang pagkakadawit din ni Sam Milby sa hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin.

Totoong close si Sam kay Angel dahil sa naging sama-han nila sa katatapos na teleseryeng pinagsamahan nila, ang Only You, pero hindi basehan ito para ma-link na sila o lagyan na ng malisya ang kung anumang closeness na namagitan sa kanila. Nabalitaan naming maging si Sam ay nagulat at sinabing nalulungkot din siya dahil pati siya’y nada-damay sa nasabing hiwalayan.

Alam ni Sam na nagmamahalan sina Luis at Angel. At hindi siya gagawa ng anumang ikasisira ng relas-yon ng dalawang taong nagmamahalan.

Sa isang panayam, sinabi ni Sam na kung ano man ang pinagdaraanan ngayon nina Luis at Angel, umaasa siyang maaayos din ang lahat sa pagitan ng dalawa.

Kapansin-pansin kasi ang pagiging malapit at kumportable nina Angel at Sam sa isa’t isa lalo na nu’ng patapos na ang Only You. Hayun, hindi tuloy naiwasang isipin ng ilan na may ‘something special’ na na-develop sa dalawa, lalo pa’t walang girlfriend si Sam.

Hindi naman si Sam ang tipo na papasok sa relasyon na alam niyang may boyfriend pa ang babae, lalo pa’t kaibigan niya sina Angel at Luis.

Eh, how true naman na may idini-date ngayon si Sam, sa katauhan ni Maricar Reyes? Ayon pa sa malapit sa aktor, may lihim na paghanga na si Sam sa kontrobersyal na baguhan noong una pa lang niyang makita ang mukha nito sa isang giant billboard sa tapat ng PBB house. Nagandahan na raw si Sam kay Maricar.

Ang latest, nagdi-date na sina Sam at Maricar. Kung saan hahantong ang kanilang pagdi-date? Tanging tadhana lang ang nakaaalam.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES