Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 21, 2009

Star Cinema sa SM: Hating kapatid

NAGPADALA na kahapon ng opisyal na pahayag ang corporate PR head ng ABS-CBN na si Bong Osorio kaugnay ng isyu sa pagitan ng film arm ng Kapamilya channel na Star Cinema at mall giant na SM.

Pirmado ng managing director na si Malou Santos ang in-e-mail na statement, na nagsasabing: “Ang Star Cinema ay mayroong collection and computation issue sa SM.

“Ang nais lang naman ng Star Cinema ay maayos na komputasyon, pantay na hatian at maayos na partnership. Sa madaling sabi — hating kapatid.

“Umaasa kami na maaayos ang sitwasyong ito sa lalong madaling panahon.

“Aming nilalayon ang isang win-win situation na magbibigay ng karampatang benipisyo sa Star Cinema at sa aming mga partner tulad ng SM.”

Matatandaang sumingaw ang problemang ito nang idaos ng Star Cinema ang premiere showing ng And I Love You So nina Sam Milby, Bea Alonzo at Derek Ramsay sa Trinoma at hindi naipalabas ang pelikulang produced by Star Cinema sa SM theaters nationwide.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES