Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 11, 2009

Toni Gonzaga takot maikumpara kay Sarah

Dahil nakatakda ring magkaroon ng Philippine Tour si Toni Gonzaga, hindi maiwasang maikumpara siya kay Sarah Geronimo na on-going pa rin ang local tour sa bansa ngayon.

Tulad ng title ng tour ni Toni na Toni Gonzaga… Level Up, tinatanong tuloy siya sa presscon kahapon kung lumi-level na ba siya talaga kay Sarah.

“Naku, hindi po, hindi po talaga,” sunud-sunod niyang wika. “Huwag naman pong isipin na ganu’n dahil si Sarah eh talaga namang napakarami nang napatunayan at hindi po ako maikukumpara sa kanya. Sobrang layo talaga, malaki na ang napatunayan niya.”

“Ano lang ’to talaga, just giving back du’n sa bumili ng album. Actually, matagal na kasi itong plano ng Star Records, first album ko pa lang, kaya lang dahil sa schedule, nagkaroon ng pelikula, tapos nagho-host, hindi talaga ma-prioritize din ’yung tour and singing, eh, ang ABS-CBN din kasi ang naglilinya ng mga shows and mga proyekto na gagawin ko,” pahayag ni Toni.

Ngayong malapit na naman nga raw ang PBB, kailangang masimulan na nila ito agad bago pa magsimula ang nasabing reality show dahil tiyak na hindi na naman niya mahaharap kung mago-overlap pa ang dalawang proyekto.

Magsisimula ang Toni Gonzaga…Level Up (The Provincial Tour) sa Aug. 21 sa Limketkai Atrium sa Cagayan de Oro every Friday at pagkatapos ay sa La Salle Coliseum sa Bacolod City ng September 18, October 2 sa Manila, October 16 sa Holy Cross sa Davao City at sa October 30 sa Cebu Coliseum.

Ang mga special guests naman niya sa lahat ng shows na ito ay sina Erik Santos, Rayver Cruz at Jericho Rosales.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES