Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 18, 2009

Watch out for Erich Gon­­zales!

Sa wakas ay na­big­yan na rin ng ma­laking break ang ba­gu­hang si Erich Gon­­zales sa pama­magitan ng sarili niyang teleserye, ang TV remake ng pe­­li­­kulang pinag­bi­da­han noon ni Dina Bon­ne­vie, ang Kator­se.

Tat­long ba­gitong aktor ang leading men ni Erich, ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si Ejay Falcon, ang model-athlete na si Xian Lim, at ang cham­pion swimmer-actor na si Enchong Dee mula sa direksiyon ni Malu Sevilla.

Since may pagka-daring ang role ni Erich sa Katorse bilang si Nene na na-in love at nabuntis sa edad na katorse, hindi siya nagpakiyeme sa hinihingi ng istorya at ng kanyang direktor.

“Napakaganda ng istorya ng Katorse at tiyak na kapupulutan ng aral lalo na ng mga kabataan,” pangako ni Erich na sa pagkakaalam namin ay sentro ng attention ngayon ni Xian.

And speaking of Erich, isa kami sa mga naniniwala, Salve A., na siya na ang next important star sa bakuran ng ABS-CBN. Bago ang Katorse ay isinalang si Erich sa isang napakagandang episode ng 18th anniversary ng Maalaala Mo Kaya presentation na na-kabituin niya pa ang comedy concert queen, si AiAi delas Alas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES