Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, August 07, 2009

Willie Revillame inaapilang parusahan

Isang grupo ng mga mamamahayag ang nana­wa­gan kahapon sa Movie and Television Review and Classification Board na patawan ng kaukulang parusa ang host ng noontime show na Wowowee ng ABS-CBN na si Willie Revillame.

Ginawa ng Alyansa ng Filipinong Mamama­hayag (AFIMA) ang panawagan dahil sa umano’y pam­babastos ni Revillame kay dating Pangulong Corazon Aquino na isang simbolo ng demokrasya at mabuting ina.

Tinutukoy ng AFIMA ang biglang pagpapatigil ni Revillame sa live coverage ng libing ni Ginang Aquino habang inililipat ito sa Manila Cathedral mula sa La Salle Greenhills noong nakaraang Lunes. Ang coverage na ipinakikita sa maliit na window screen ay kasabay ng Wowowee ng mga oras na iyon nang biglang magsalita si Revillame at sinabi sa harap ng kamera na dapat ihinto ang live coverage kay Cory.

Humingi kinalaunan ng paumanhin si Revillame na nagpaliwanag na hindi magandang habang nagsasaya sila ay ipinakikita ang pagkamatay ni Cory.

Pero ayon sa AFIMA, isang paglapastangan sa demokrasya ang pagpapa­tanggal ni Revillame sa maliit na window screen na nagpapakita sa prusisyon habang dinadala ang labi ni Cory sa Manila Cathedral.

“Maaaring may karapatan siyang hilingin iyon pero hindi na niya hinintay ang susunod na commercial break para tahimik niyang magawa ito. Inihayag niya sa harap ng natigilang milyun-milyong Pilipinong nanonood ng kanyang show ang kanyang saloobin laban sa pagpapakita sa libing ni Corazon Aquino kasabay ng kanyang show,” sabi pa ng AFIMA.

Sinabi pa ng AFIMA na, dahil sa popularidad ng show ni Revillame, anumang masamang sinasabi niya ay napapagkamalan ng mga kabataan na nauuso o tama lamang.

“Nahuli siya ng milyun-milyong viewer na para bang nandadaya siya sa kanyang prize-winning game. Ilang beses na narinig ng milyun-milyong tao ang kanyang mga salita nang walang pagsasaalang-alang sa mga implikasyon nito. Wala siyang pakialam sa kanyang bansa. Wala siyang pakialam sa kababaihan. Sarili lang niya ang kanyang pinag­mamalasakitan,” sabi pa ng AFIMA sa isa nitong pahayag sa pamamagitan ng presidente nitong si Jerry Yap.

* * *

Maging sa Facebook ay may petition na dapat parusahan si Willie Revillame dahil hindi niya kayang gumalang sa patay. “Kung ang patay nga hindi niya kayang kontrolin ang kanyang sinasabi, what more sa buhay. Paano pa niya igagalang,” sabi ng isang grupo sa FB.

Meron namang nag-comment na baka nalilimutan ni Willie na kung hindi kay dating presidente Cory Aquino ay baka walang ABS-CBN ngayon na pinagka­kakitaan niya ng milyun-milyon. “Saka paano niya nasabing nagsasaya siya habang nagluluksa ang buong bansa,” comment ng isa pa sa FB.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

6 Comments:

At 2:18 PM, Anonymous Anonymous said...

Buti nga sana matuloy yan..para matauhan yang si Willie! Akala niya siguro.. hari na siya ng ABS-CBN, sasabihin niya ang gusto niyang sabihin.. gagawin niya nag gusto niyang gawin...kahit pa nakakasakit na siya ng mga tao!! Napaka-INSENSITIVE niya talaga!! Ganyan naman talaga yan ehy.. Walang moral! Walang galang kay Tita Cory na minamahal at pinapasalamatan habang pinagluluksa ng sambayanang Pilipino.. at nagdulot ng "DEMOKRASYA" sa mga Pilipino na kahit yang si Willie eh pinakikinabangan ito!! Tsaka idineklara pa nga mismo ng gobyerno ang 10 Days of NATIONAL MOURNING para sa namayapang NATIONAL TREASURE na si Tita Corazon Aquino, kaya nga wala siyang karapatang sabihin iyon sa harap pa mismo ng live TV audience at madla!! Walang kagatul-gatol ang ginawa niya at sinabi niya!! Dapat talaga siyang parusahan! Paglapastangan sa karapatang pamamahayag at "DEMOKRASYA" ang ginawa niya.. sa INA pa mismo ng DEMOKRASYA!! Ang sabihin mo.. talagang ayaw mo lang dahil wala kang respeto sa PINAKAMATAAS pa sa'yo!! Gago!! Plastik ka Willie!! Yabang mo!! Pupunta ka sa impyerno Willie!! Once in a Lifetime lang yan i-feature ng ABS-CBN, tapos nag-asal "HAYOP" ka pa!! Nag-apologize ka pa kuno.. hindi naman talaga yan ang tunay na naramdaman mo no'n!! PWE! Wala na willie... nagawa mo na.. BINASTOS mo na ang dating PRESIDENTE!!! Mamamatay ka rin at tiyak konti lang ang magluluksa sa 'yo dahil malalaman din ng tao ang totoo mong kulay!!! Yaaann... eh di lumabas din ang tunay na kulay ng gago!! Tangina mo Willie! Ang yabang-yabang mo na talaga ngayon!! Mahihirap ang nagsasalpak ng pera sa bulsa mo para marating mo ang anumang meron ka ngayon.. tapos ganyan ka kay Tita Cory na MAHAL NA MAHAL ng mga Masa, pati ng MAYAYAMAN eh mahal at pinahahalagahan din si Tita Cory!! Ang sama ng ugali mo! Kung hindi dahil kay Tita Cory.. hindi mababalik sa mga Lopez ang ABS-CBN.. at baka walang ABS-CBN ngayon at wala kang trabaho at hindi ka magkakaroon ng milyones mo!! Bobo!! Kapal ng mukha mo!! Demonyo ka! Nabalutan ka lang ng salapi... eh nagbago na ang hugis ng ulo mo! May SUNGAY ka na!! Walang modo kay Tita Cory!! Mahal na mahal ng taong-bayan si Tita Cory at pati ng Simbahan.. at higit sa lahat ng Diyos! Kaya matakot ka sa mga binitawan mong salita!! Sigurado malaki ang karma nyan sa buhay mo balang araw! Babagsak ka rin! Sayang fan pa naman ako ng WOWOWEE.. pero dahil sa "RECKLESS AND CRUEL ATTITUDE" mo at ka-OA-an ng 3 hosts ng show mo (pwera si Valerie)...eh nawalan na ako ng ganang manood ng show mong yan.. cable channel na lang ang pinanonood ko!! Patay ka kay Kris pag nalaman nya yan.. for sure sasama ang loob no'n! Bastos ka talaga Willie!! Nakiramay ka nga.. pero nagawa mo nang bastusin si Tita Cory bago ka pa nagpunta ng Manila Cathedral!! Plastik! Gago! Yabang mo!! Walang kwenta ang pera mo, kug wala ka namang "Mabuting Asal"! Buti pa si Tita Cory.. galing sa Buena Familia ng mga Cojuangco.. pero hindi nambastos ng kahit sino... eh walang-wala ka naman sa kayamanan niya noh! C Tita Cory simpleng tao pero galing sa mga "BILYONARYONG ANGKAN"..pero ikaw.. nahugasan lang ng "MILYONES" eh akala mo kung cno nang umasta ang gago!!! Walang respeto kahit sa patay! Mamatay ka na sana willie!! Buti nga sa'yo at marami kang kasong dapat panagutan!! Huh!

 
At 3:08 PM, Anonymous Anonymous said...

TFC subscriber kami dito sa california kakabwiset at nakakawalang gananag panoorin ang suot ni boy abunda sa SNN (ang ganda pa nman ng topic tungkol sa mga sinabi ng anak ni cory)yung naka pang babae sya na damit bwiset talaga ang sagwa ng dating nagtatanung ang mga anak ko kung babae ba yun o lalaki di ko masabi babae kasi kalbo di ko nman masabing lalake kasi ang landi ng kilos kahit ang lakilaki ng katawan di ko tuloy alam ang sasagot ko hay bwiset talaga kaya naisipan ko tuloy magcomment dito para madvice nman sya di talaga maganda, isa pa yang si willie wala talagang modo yan mayabang talaga sya, ang dami nman mas magagaling na host ang abscbn sana palitan na lang sya. censya na nagsasabi lang ng totoo for the network information.

 
At 3:15 AM, Anonymous Anonymous said...

dapat talaga parusahn si willie walang modo ang yabang niya.

 
At 12:48 AM, Anonymous Anonymous said...

Ai nako! mga tao talaga..bago sana mag salita timbangin muna ang sitwasyon..ung iba ang galing mang husga..kung sa bagay jan magaling ang filipino, kaya sa ibang bansa hilaan pababa ang mga kababayan natin..Ang hilig mag marunong, eh ala naman din pala..

 
At 10:27 PM, Anonymous Anonymous said...

To all the Filipinos around the world,

Please read carefully and understand very well.

May mga katanungan po ako sana po sagutin nyo..

1. Ano po ba mas importante ang showbiz issue o ang nangyayari sa ating bansa?
2. Sino po ba mas maraming natulungan ang wowowee family o government family?
3. Sino po ba ang mas bastos si willie (na nagluksa din sa dating pangulo..ngunit nakaroon lang ng pagkakamali) o si pangulong arroyo (na pa dinner-dinner lang habang nagluluksa ang buong sambayanan)?
4. Sino ba ang hindi napapatawad ng aquino family,si willie o si pangulong arroyo?
5. Kanino ba naging si tita cory kay willie o kay arroyo?
6. Sino ba ang mas may concern sa mga Pilipino si willie o c arroyo?
7. Ano sa inyo si willie na nakakaintindi sa mahihirap o si pangulong Gloria na mas tayo a pinahihirap?

At kung nabasa nyo na ang tula ni joey para kay willie,sana po pakinggan nyo naman ang kantang UPUAN ni gloc 9….at pagkatapos ipaglaban nating ang karapatan natin sa ating mahal na bansa….sana po PETITION natin patalsikin si GLORIA ARROYO,,..huwag tayong matakot sa kanya dahil SOBRA NA ANG GINAGAWA NYA,,,,…


Please listen the song UPUAN Ni (GLOC 9)…..

 
At 3:36 AM, Anonymous Anonymous said...

I agree with your comments. You're just right.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES