Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 27, 2009

Bahay ni Cristine Reyes lumubog

Binugbog ni Ondoy ang buong bayan kahapon.

Baha everywhere. Apektado ang buong Metro Manila at ilang karatig lugar.

Maraming artista ang hindi nakarating sa kanilang mga commitment like Ruffa Gutierrez and Anne Curtis.

Si Cristine Reyes, umiiyak na tumawag kay Richard Gutierrez kaha­pon para manghingi ng tulong dahil inabot din ng grabeng baha ang bahay nila sa Marikina.

“Cristine Reyes just called my brother, Richard, crying! She needs to be evacuated from her home. Where do we get help?? Who do we call? HELP,” sabi ni Ruffa.

“Somebody HELP! Pls send rescuers to Provident Village, Marikina ASAP! houses submerged in water n people in 2nd flr inclg Cristine Reyes!!” dagdag ni Ruffa kahapon ng bandang alas-4:00 ng hapon habang walang tigil ang ulan dahil sa bagyong Ondoy.

Pero mas grabe ang nangyari sa assistant ni Ruffa : “My personal assistant
is weeping cu’z she has 2 senior citizens w/her n she also lives in Marikina like Cristine Reyes! God who do we call???.”

Kaya naman panay ang tawag niya sa hotline. Pero walang magawa dahil super busy ang linya. “Busy all hotlines-Cannot get thru! Humagulhol si Cristine kay Chard n now Patay na her cel!­ Domitilla St.Provident Vill.Marikina.HELP PO PLS!” sabi ni Ruffa.

Umiiyak din siya dahil nalulunod kahapon ang kanyang assistant. “My p.a. Is drowningggg!! My god I’m crying here! Please send help asap PLEASE to Marikina!! She’s trying to save her father!”

Isa si Regine Velasquez sa nag-post ng hotline number : “Hotline for anyone who needs help: 734-2118, 734-2120; NDCC:9115061, 9125668; Coast Guard: 5276136; MERALCO: 16210.”

Si Julius Babao, nanawagan kahapon para sa isang residente na nakikita niyang nalulunod : “Anybody owns rubberboat in QC? We need a boat to rescue residents of Vista Real QC.”

Hindi lang si Cristine Reyes ang sob­rang naapektuhan ng grabeng baha kahapon dahil kay Ondoy. Si Jean Garcia rin ay inabot ng pinsala. Kahapon ay nagti-text siya sa mga kaibigan: We really need help asap dito sa queens­land st. vista real classica near tivoli subd gotesco commonwealth mall.”

Umapaw ang buong Metro Manila kahapon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES