Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, September 15, 2009

Bahay nina Kris at James, ayaw ipabenta ni Noynoy

Ayon kay Kris Aquino, sobrang nag-e-enjoy ang tatlo niyang boys na sina James Yap, Joshua at Baby James sa family vacation sa Hawaii.

Umalis ang mag-anak last week for a much-needed break, kaya ilang gabi nang wala ang TV host sa SNN: Showbiz News Ngayon pati na rin sa The Buzz last Sunday.

Sa Hilton Hotel Resort sila nag-i-stay at sobrang nag-e-enjoy daw ang mag-aama.

Nu’ng unang araw, nag-swimming at water slides daw sila, tapos, nag-train, boating at walking around the resort na super-laki (62 acres).

Sa gabi, nag-luau (Hawaiian feast) pa raw sila and James danced on stage.

Nu’ng ikatlong araw, nag-tour sila sa Big Island at pinasyalan ang volcanoes, black sand beaches at coffee plantation.

Pero ang naka-touch nang husto kay Kris ay ang suporta ng mga kababayan natin sa Hawaii para sa kandidatura ng kuyang si Sen. Noynoy.

’Yung mga nagtratrabaho raw sa hotel, binibigyan daw sila ng $100 bilang tulong sa kampanya.

Say ni Kris, naiyak siya to know na ganu’n sila ka-love ng mga Filipino roon and for sure, matutuwa rin ang mom niya kahit wala na ito ngayon.

Matatandaang nagpahayag si Kris na willing siyang ibenta ang bahay nila ni James sa Pasig kung kinakailangan to support her brother’s presidential candidacy at sinang-ayunan ito ng kanyang asawa.

Ayon kay Kris, love na love ni James ang mom at mga kapatid niya, the same way na mahal din daw ito ng kanyang pamilya, especially si Tita Cory, na noong nabubuhay ay fan na fan ng kanyang asawa at walang pinalalagpas na basketball game nito.

In-offer ni Kris ang bahay kay Sen. Noynoy, pero say daw ng kuya niya, “’Wag na, hindi ako pinalaki ng dad to take away the home of your kids.”

Pero say ni Kris, puwede naman nilang hatiin equally ang mapagbebentahan. ’Yung kalahati, gagamitin sa kandidatura at ’yung matitira, ibibili niya ng condo bilang kapalit ng bahay na nabenta.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES