Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, September 08, 2009

Edu Manzano binatikos ng Philippine Movie Press Club members

KALIWA’T kanan ang komentong naririnig namin tungkol kay Edu Manzano na nagwagi recently sa first ever MTRCB awards.

Nakapagbitiw daw si Edu ng salita na dalawa lang ang awards na espesyal para sa kanya: Ang natanggap niya mula sa Anak TV awards at itong sa MTRCB awards.

Dahil dito, nagbuhos ng kani-kanyang opinyon at saloobin ang ilang kasama-han namin sa Philippine Movie Press Club (PMPC). Sabi ng isang kaibigan namin: “Nakalimutan na ba ni Edu na dalawang taon siyang nanalo sa Star Awards bilang Best Game Show Host sa PGKNB? Hindi ba naging espesyal sa kanya ang pagkapanalo niyang ‘yon?”

Maging kami ay nagulat nang aming marinig na may ganito palang kaganapan kay Edu. Nakilala namin si Edu na isang appreciative na tao, at parang imposible na naka-limutan niya ang award na natanggap niya mula sa Star Awards ng PMPC.

Dalawang beses pa naman siyang pinarangalan bi-lang Best Game Show Host. Noong 2008 ang pinakahu-ling award na natanggap ni Edu mula sa Star Awards.

Hindi namin masisisi ang ilan sa kasamahan na-min kung magtampo man si-la sa TV host, pero sana ay may dahilan si Edu kung ba-kit hindi niya nabanggit ang Star Awards that very mo-ment sa kanyang speech.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES