Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, September 18, 2009

Gab Valenciano in As 1

BAHAGI si Gab Valenciano ng much-awaited mega-event ng taon, ang As 1 na pagsasamahan ng dalawa sa best concert performers -- sina Martin Nievera and Gary Valenciano.

Ilang tulog na lang at mapapanood na ng fans ang dalawa sa kanilang mga kaka-ibang gimik para sa show bukas, Sept. 19, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Walang guest performers sina Martin at Gary, maliban sa mga anak na sina Gab (Gary’s son) at Robin, anak ni Martin kay Pops.

Sa panayam namin kay Gab, tinanong namin siya kung ano ang magiging partisipasyon nilang dalawa ni Robin sa concert.

Say ni Gab, they’ll be doing some songs together and he’ll be showing some dance moves .

“Black-Eyed Peas stuff , pero hindi namin puwedeng sabihin ang details, eh. Also some numbers with the Dads din,” ani Gab na nakikipagkulitan din kay Robin, who was also present during the interview.

Sa kilos at pananalita pa lang ng dalawa, halatang close na sila. Tulad ng kanilang mga ama na mag-best friend.

Ayon kay Gab, matagal na rin silang magkaibigan ni Robin at sa tanongkungkailan ito nagsimula.

“Since birth,” sabay na sagot ng dalawa.

Sabi pa ni Gab, hindi man daw sila madalas magkita ni Robin lalo kapag nasa Amerika ang binata ni Martin but they see to it that they communicate as often as possible.

Naitanong din namin kay Gab ang tungkol sa isyung break na sila ng kasintahang si Rachelle Ann Go. “No! Hindi kami nag-break!” mabilis na sagot ni Gab.

Bakit may lumalabas na split na raw kayo?

“Hindi totoo ‘yan! Nagkatampuhan kami, pero hindi kami nag-break.” Dahil nabanggit na rin ni Gab na nagkatampuhan sila ng nobya, sinabi na rin niyang hindi niya hinayaan na ma-uwi sa hiwalayan ang relas-yon nila. Normal lang daw sa isang relasyon na nagkakaroon ng gusot.

Ang mahalaga raw ay naaayos naman. Kasi sila ni Rachelle Ann, bago pa lumala ang sitwasyon, inaayos na nila kaya ay happy na ulit ang dalawa.

So, manonood si Rachelle Ann ng concert this coming Saturday?

“Of course, she’s gonna be there,” nakangiting sabi pa ni Gab.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES