Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 20, 2009

Gerald at Kim, sasabak naman sa pelikula

Medyo maayos na ang kalagayan ng kaliwang mata ni Coco Martin na na-injure habang kinukunan ang isang action scene sa Tayong Dalawa last Tuesday. In fact, last Friday ay bumiyahe na siya patungong Cebu kasama ang mga co-stars sa serye na sina Kim Chiu, Jake Cuenca at Gerald Anderson para sa Grand Fans Day at pasasalamat sa mga tagasubaybay ng kanilang soap.

Nag-resume na rin ng taping si Coco for Tayong Dalawa dahil kailangan na nila itong matapos since isang linggo na lang ang nalalabing airing nito.

May mga bruises pa sa mukha ang aktor at medyo nanlalabo pa ang paningin ng kaliwang mata niya pero ayon naman daw sa doktor na tumingin sa kanya ay gagaling din ito pati na ang mga sugat sa mukha.

Ang lesson daw na natutunan ng aktor sa nangyari ay maging maingat na next time. Matitigas daw kasi ang ulo nina Jake at Gerald na talagang ayaw pa-double at walang takot kahit sa mga delikadong eksena.

Anyway, isang linggo na lang at magtatapos na ang Tayong Dalawa at balitang isang hindi inaasahang pagwawakas ang inyong masasaksihan kaya abangan kung ano ito.

* * *

After Tayong Dalawa, marami ang nagtatanong kung saan naman susunod na mapapanood ang mga lead stars nito. Ang alam namin, pelikula naman ang pag-kakaabalahan nina Kim at Gerald under Star Cinema kaya tiyak na matutuwa na naman ang mga Kimerald fans.

Si Coco, mapapanood na ninyo siya agad sa Nagsimula sa Puso with Maja Salvador, Jason Aba-los and Nikki Gil dahil malapit na itong magsi-mula.

May isa pang serye si Coco, ang isa sa apat na istorya ng Agimat, pero malamang na next year na ito ipalabas.

Si Jake naman, kasa-ma siya sa Ruby with Angelica Panganiban and Diether Ocampo. Wala pang time slot ito pero ang alam namin ay this year ito ieere. Mayroon din siyang Agimat na naka-line-up.

* * *

SPEAKING of Gerald, hindi na nga talaga mapigilan ang patuloy na pag-angat ng aktor na kilala rin ngayon bilang si Tiagong Akyat.

Sa kanyang pangunguna sa listahan ng 2009’s hottest men sa isang kilalang fashion magazine, itinuturing na rin ang binata bilang isa sa pinaka-in-demand na leading men sa telebisyon ngayon.

Hindi napigilan ng madla na maghiyawan at kiligin nang rumampa si Gerald kamakailan sa entablado para sa event ng fashion magazine.

Patunay sa mga titulong ikinakabit sa binatang aktor ay ang kanyang mga TV projects na humahataw sa ratings. Bongga rin ang kanyang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Tiagong Akyat na napapanood tuwing Sabado ng hapon sa ABS-CBN.

Sa pagpapatuloy ng kuwento kahapon, nais man magbago ni Tiago (Gerald Anderson) para sa kanyang anak na si Martin, hindi pa rin niyang mapigilan ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman kasama ang kanyang mga bilanggong kaibigan, nanakawan nila ang bahay ng may-ari ng factory na nagtanggal ng mga trabahador sa iligal na pamamaraan.

Sa oras na malaman ni Martin ang mabuting hangarin ng kanyang ama, ipagmamalaki niya ito kahit pa hindi niya lubusang alam ang tunay na ginagawa ni Tiago. Samantala, bumalik si Tiago sa Cavite at may pagbabago siyang natuklasan.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES