Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 05, 2009

Halikan nina Luis at John Lloyd ramdam ang pagmamahal

It was this kissing scene, an intimacy between two men, that almost prevented Luis Manzano, from doing In My Life, a film that marks a comeback for his mother, Batangas governor Vilma Santos, and also star John Lloyd Cruz.

Hindi naman natin masisi kung mag-alala man si Luis, baka nga naman hindi magustuhan ng mga manonood ang naturang eksena o ang pangyayaring isang bakla ang magiging role niya sa pelikula. Ayaw man niyang maging killjoy sa itinuturing ng direktor ng movie na si Olive Lamasan na isang perfect comeback vehicle para kay Vilma, he had to say no.

Pero nanaig ang kagustuhang makagawa ng isang di malilimutang pelikula, natuloy ang kissing scene ng walang hassle.

“Isa yung paglalapat ng labi na nagpapamalas ng pagmamahal. Ang emosyon na yun ang gusto namin na makita at maramdaman ng manonood, kahit pa ang naghahalikan ay people with the same sex,” anang anak ni Vilma na kahit bago pa lamang sa larangan ng pag-arte ay nagpamalas na ng maturity sa kanyang trabaho.

Walang problema kay John Lloyd, he likes his role. He found it challenging. Matindi ang presure, but he took on the challenge.

Hindi lamang inilagay ang kssing scene para humatak ng manonood. Bukod sa kuwento ang In My Life ng isang ina na humaharap sa krisis ng kanyang buhay dahil tumatanda na siya, kuwento rin ito ng relasyon ng isa sa kanyang mga anak sa isang kapwa niya lalaki, at kung paano niya ito tatanggapin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES