Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, September 04, 2009

John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, nag-isnaban sa Star Magic Ball?

PROUD si John Lloyd Cruz na makasama sa pelikulang In My Life ng Star Cinema na showing na sa Sept. 16 nationwide.

Hindi lang dahil nakasama niya ang de-kalibreng artista na si Vilma Santos at friend niyang si Luis Manzano, kundi ito ang first time niyang gumanap na gay sa pelikula. Because of this mo-vie, ayon kay Lloydie, naki-ta niya ang pagmamahal sa ibang perspective.

“Sa takbo ng karakter ko (as Noel) sa pelikula, na-ranasan ko kung paano tingnan sa ibang perspective ang pagmamahal. As you can see, the character is gay. So, ganoon pala ‘yun. Sa ti-ngin ko ngayon, mas passionate ang gay magmahal. Parang mas masarap silang magmahal,” paliwa-nag ni Lloydie.

Kuwento pa niya , mas nauunawaan na niya nga-yon ang mga bading at kung paano sila magmahal dahil sa naging role niya sa pelikula. Naging usapan din sa presscon na nilamon daw ni Lloydie si Ate Vi sa kanilang confrontation scene.

Sa totoo lang, damang-dama mo dito ang emosyon ng isang nagmamahal at nakikipaglaban para sa minamahal.

Ito ang isa sa mga eksena ni Lloydie na nagmarka sa amin at ‘yung eksenang sinasabi ni Mark kay Noel ang tungkol sa sakit niya.

Bigla na lang siyang ni-yakap ni Mark na puno ng emosyon ang mga mata.

Kahit wala silang dialogue ni Luis ay makikita mo ang intensity ng feeling nila.

John Lloyd was humble enough to smile and say na hindi naman daw niya “ni-lamon” si Ate Vi sa naturang eksena.

Ipinagtanggol ni Lloydie na si Ate Vi pa nga raw ang generous na sumuporta sa kanyang mga eksena.

Sinagot din ng aktor ang intrigang nagdedmahan umano sila ni Ruffa Gutierrez nu’ng gabi ng Star Magic Ball last Sunday night sa Shangrila Hotel Makati.

“Uyy, hindi ah. Nagbatian kami, doon pa nga ako nakaupo next sa table nila and in fact, I was taking pictures of everyone that night, kasi may bago nga akong camera. Gusto kong kumuha ng pictures, so, I took pictures of them sa dance floor,” paglilinaw ni John Lloyd.

In fact pinikturan din niya si Ruffa using his new camera.

Naging topic din ang seksing suot ng TV host/ beauty queen that night.

Ang haba raw ng slit ng damit ni Ruffita, huh.

“Oo nga eh, napansin ko nga. Sabi ko, ang haba niyan ah!” nakangiting kuwento pa ni John Lloyd.

Muling nilinaw ni Lloydie na wala silang naging relasyon ni Ruffa kaya wa-lang dapat tapusin o lagyan ng closure.

“Wala naman kasing nagsisimula kaya walang dapat isara,” giit nito. Sa totoo lang, impressive nang sumagot si Lloydie sa kanyang interviews. May lalim, may katuturan at may makukuha kang matinong sagot galing sa kanya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES