Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, September 15, 2009

Kim Chiu ikinalungkot na ‘di kasama si Gerald sa bagong movie

ILANG araw na lamang at magtatapos na ang Tayong Dalawa.

Pero ngayon pa lang ay nami-miss na raw ni Kim Chiu ang mga kasama sa teleserye na nag-angat sa kanya bilang isang aktres. Agad naming tinanong si Kim nang magkasalubong kami sa ABS-CBN kung ano ang susunod niyang project after Tayong Dalawa.

“Movie po muna. ‘Yung pang-filmfest kasama sina Angelica Panganiban, Gabby Concepcion Derek Ramsay. I Love You, Goodbye ang working title. Hindi ko po kasama si Gerald ( Anderson) sa movie,” sagot ng dalaga na tila nanghihinayang na hindi kasama ang kanyang prince charming sa kanyang next movie.

Habang kausap namin si Kim, kakaalis lang din ng buong cast ng Tayong Da-lawa na nagkaroon ng farewell sa ASAP ’09.

Muli ay tinanong namin si Kim kung ano ang nadarama niya ngayong patapos na ang teleserye?

“Nakaiiyak! Wala na ‘yung experience, wala na ‘yung mga pagsasama na-min. Mami-miss ko ‘yung every Monday, Wednesday and Friday eh, magkikita-kita kami sa taping. ‘Yung Audrey character ko, mami-miss ko talaga.”

Aminado si Kim na ma-laking bahagi sa buhay niya ang nabago ng Tayong Da-lawa, hindi lang bilang aktres kundi malaki rin ang naitulong nito sa kanyang growth bilang isang indibidwal.

Na-realize din daw ni Kim ang halaga ng buhay. Pero kahit matatapos na ang Tayong Dalawa, hindi naman dito magwawakas ang pagtitinginan nina Gerald at Kim, hindi ba?

Tinanong din namin si Kim kung ano ang masasabi niya sa pagpapakita ng ka-machuhan ni Gerald sa fashion show para sa isang magazine.

Ayon sa dalaga, okey lang at hindi masagwa ang ginawa ni Gerald kasi nag-topless lang naman daw ang kanyang ka-loveteam.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES