Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 13, 2009

Kim Chiu nakabuka ang lips habang nakikipag-love-scene kay Gerald

Marami ang nagulat sa bed scene nina Kim Chiu at Gerald Anderson last week sa Tayong Dalawa. Ang ikina-shock ng marami ay ang pagpayag ng young actress na kunan ang nasabing eksena dahil first time niyang ginawa ito. Ganundin naman ang young actor, it’s just that, we all know na mas mahirap ito para sa babae lalo na kay Kim na tipong napaka-fragile.

Kami man, while watching the scene ay kay Kim kami nakatutok and in fairness, nakaya niya ang nasabing maselang eksena. Needless to say, kinakitaan namin ng sensuality ang young actress lalo na sa parteng nakabuka ang lips niya sa kissing scene.

Talagang hindi pinalam-pas ng Kimerald fans ang nasabing honeymoon scene ng kanilang idolo at sa ngayon ay paksa na ng usapan sa Internet. Naka-upload na rin sa You Tube ang nasabing eksena.

Ang honeymoon scene nina Kim at Gerald ay kinunan pa sa Boracay and in fairness, was done in good taste. May nabasa nga kaming komento sa Internet mula sa isang viewer na ‘yun daw ang most passionate bed scene na napanood niya ever.

Anyway, finale week na ng Tayong Dalawa at aminado naman ang buong cast na talagang hindi na nila makakalimutan ang seryeng ito lalo na nga sa kaso nina Kim and Gerald na talagang nag-level-up nang husto ang career dahil sa nasabing soap.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES