Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, September 14, 2009

Kim Chiu napaiyak sa farewell party ng ‘Tayong Dalawa’

HINDI napigilan ni Kim Chiu ang maging emosyonal sa farewell party para sa cast ng Tayong Dalawa na ginanap kahapon ng tanghali sa ASAP ’09. Sa VTR pa lang habang kinakanta ni Gary Valenciano ang theme song ng serye, napaiyak na agad si Kim.

Naging emosyonal din ang ibang member of the cast like Ms. Helen Gamboa nang pasalamat niya ang televiewers at ang production staff ng Tayong Dalawa. Ani Tita Helen, napamahal na sa kanya ang cast at hindi niya malilimutang nakatrabaho ang mga ito.

Very thankful naman si Gina Pareño sa bagong tawag sa kanya ngayon ng publiko bilang Lola Gets.

“Dahil sa Tayong Dalawa, may bago na akong pangalan. Salamat sa inyo,” sambit pa niya.

Malaki ang nagawa ng serye para sa career ni Gerald Anderson at Jake Cuenca. Dito nila naipakita ang husay nila bilang aktor. Si Coco Martin, Cherry Pie Picache, Alessandra de Rossi, Agot Isidro ay very thankful din na napasama sila sa cast.

Nang turn na ni Kim para magpasalamat, hindi ito agad nakapagsalita. “Naiiyak na naman ako... Hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta, maraming salamat po sa inyong lahat.”

Ten days na lang ang itatagal ng Tayong Dalawa. Matatapos na ito sa September 26.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES