Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, September 16, 2009

Kissing scene nina John Lloyd at Luis tinanggal sa movie

Wala nang aabangan ang mga bading na kissing scene nina Luis Manzano at John Lloyd Cruz sa In My Life.

Ipinatanggal na raw umano ang eksenang ito dahil ang katwiran ay hindi naman gay movie ang pelikula.

Katuwiran ni Direk Olive Lamasan, hindi raw makakaapekto ang pagtanggal ng kontrobersiyal na eksena sa ganda ng movie.

Istorya ng In My Life ang isang teacher na may anak na bading na nasa abroad, maysakit pala ito ng cancer at doon ay nakatagpo ng kapwa bading na magmamahal sa kanya.

Walang dudang ipinakita ni Lloydie ang galing niya sa drama kaya marami tuloy ang nagsabing parang lumabas na supporting role na lang si Vilma Santos sa pelikulang ito.

At this point of her life, pagkatapos nang mahigit apat na dekada sa showbiz at pagkakamit ng hindi na mabilang na acting awards at recognition ay wala nang dapat patunayan pa si Ate Vi sa kanyang pagiging aktres.

Kaya hindi ikinadismaya ng Star For All Seasons ang intrigang “sinapawan at supporting” lang daw siya kina Luis at John Lloyd sa movie.

Nagpasalamat pa nga si Ate Vi sa Star Cinema dahil napakaganda ng istorya ng In My Life kaya niya ito tinanggap.

“No big deal ‘yung sina-sabi nilang naging suporta lang ako nina John Lloyd at Luis sa In My Life. Ang importante ay gusto ko ‘yung project,” says Ate Vi.

Proud na proud din siya sa ipinakitang improvement sa acting ng anak na si Luis.

Hindi niya inakalang may itinatagong galing pala sa pag-arte ang anak na mahilig magbiro, makulit pero super-malambing.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 1:22 AM, Anonymous Anonymous said...

sana dna lng nila gnawang hype yung kissing scene kng d rin lng pinakita..sana sa dvd version mkita...dnaman sa kabadingan lng..its more of the artistic side,people would love to see how jlc and luis do that scen not as "themselves" but as an actors

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES