Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 26, 2009

Korina Sanchez, baka ayaw na kay Baby James — Kris

DAHIL kailangan munang magbabang-luksa nina Kris Aquino at James Yap, hindi pa sila gaanong naka-focus sa pinaplanong church wedding, lalo pa nga’t magiging busy sila next year sa kampanya ni Sen. Noynoy Aquino.

Ang mas nakaplano kay Kris ay ang pagbuo ng another baby at nito ngang mga nakaraang buwan, very vocal ang aktres-TV host sa pagsasabing she wants a daughter, dahil dalawang lalaki na nga ang anak niya, sina Joshua at Baby James.

“Sabi ko nga, parang ’yun na ’yung last chance, ’yung next year, kasi, I’m 38 now, so, two more years, I’ll be 40, nakakatakot na,” pahayag niya.

Natanong din ng press sa kanya ang maselang isyu kung solido ba ang suporta ng Aquino at Cojuangco clans sa kandidatura ni Sen. Noynoy.

Marahil, open book sa sambayanan na noon pa ma’y may unsettled differences ang ilan sa miyembro ng mga naturang pamilya and of course, idagdag pa rito na tatakbo rin sa pagka-presidente ang 2nd cousin nilang si DND Secretary Gilbert Teodoro at makakalaban ng kuya niya.

“I can’t speak for the elders of our family, but I would like to think siguro, as far as our family is concerned, siguro, si Tita Lupita (Kashiwara, her aunt, sister of her father, Sen. Benigno Aquino), hindi na namin maaasahan.

“Pero si Tita Tessie (Aquino-Oreta, isa pa niyang auntie), eto, I can say this, nagka-closure with mom. I was a witness to that, in the hospital.

“Her husband, Tito Len is Noy’s mentor. Nagkatrabaho sila ni Tito Len. Tito Len stood in as Noy’s second father on so many occasions. So, ’yun siguro, okay.

“As far as the Cojuangcos are concerned, walang problema. Sa mga pinsan ng mom ko, inaayos namin. Ang masasabi ko lang du’n kasi, with Gilbert, siyempre, hindi na namin maaayos ’yan, that’s understandable.

“But maybe with Gilbert’s uncle, I don’t know, umaasa ako.

“Ang sa amin lang, if you ask me and my sisters, inilalabas ko si Noy sa usapang ito kasi kung isasali natin si Noy, lalabas na parang may political color.

“On a personal level, we want closure. ’Yun lang. Mom is no longer here, kung anuman ang naging differences in the past, they happened even before I was born.

“So, kung tatanungin n’yo ako, buong puso at buong pagpapakumbaba, gusto naming maayos,” ang seryosong pahayag ni Kris.

Since nasa differences na rin lang ang usapan, natanong din ang host ng The Buzz at SNN kung okay na ba sila talaga ni Korina Sanchez na matatandaang nakasamaan niya ng loob recently.

“I don’t want to make it appear na napaka-happy ending, kasi you’ll all tell me I’m a liar. We’re working on it. And again, isa ’yon sa pinakiusap ni Noy.

“Sabi niya, ‘Kris, I have to work with Mar (Roxas) and for the sake of your ninang Judy (Sen. Mar’s mother), ’pag tinatanong ka about that, please…’ ’Yun lang, dalawa lang ang ni-request niya – Shalani (Noy’s girlfriend) and Korina, quiet daw ako. So, quiet na lang.”

Nang tanungin kung nakapagpasukat na si Baby James dahil napabalitang part ito ng wedding nina Sen. Mar at Korina, Kris answered, “Hindi siya binibigyan ng schedule. I’m not sure, baka ayaw na siya.

“I don’t know, I really don’t know. Huwag n’yo na akong tanungin, magagalit si Noy, kasi nagmo-monitor si Noy. Kasi, sinusumbong lahat ng tauhan niya ang mga pinagsasasabi ko. So, ’pag nahanap niya sa YouTube, pagagalitan na naman ako.”

’Yun na!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES