Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 05, 2009

Kris Aquino napagalitan ni Noynoy

Nangako na si Kris Aquino na hindi na siya maki­ki­alam sa kanyang kuya Noynoy lalo na pagdating sa personal na buhay.

Nasilip ko sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong isang gabi ang statement ni Kris na nagso-sorry sa kanyang kuya sa OA niyang comment pagda­ting sa pag-aasawa nang itinutulak na tatakbong presidente ng Liberal Party.

Pinagsabihan na raw siya ng kanyang kuya na ka­salukuyang nasa retreat sa Zamboanga na sana naman ay pakinggan siya dahil mas may edad siya at siya (Kris) pa rin ang bunso ng pamilya.

Binuking din ni Kris ang sarili na pinagsabihan na siya ng kanyang mga kapatid na ‘wag namang ikuwento sa mundo ang kanilang pinag-uusapan sa bahay o mga private conversations.

Kilala ang TV host sa pagiging open sa mga nang­yayari sa kanilang buhay. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba, pag may gusto siyang ikuwento.

Nag-usap sila ng co-host at kaibigan niyang si Boy Abunda na sasawayin siya sa pagkukuwento sakaling hindi mapigilan ni Kris ang kan­yang matabil na dila.

Sabihan daw siya ng shut up pag naramdaman niyang nagiging madaldal na naman siya.

Pero sinabi rin ni Kris na sana ay ipagdasal din siya ng Kuya Noy niya na pigilan niyang mag­daldal.

Payag na rin daw siyang mag-asawa si Noynoy basta mamahalin ang kapatid niya ng 100% or else magiging monster sister-in-law siya.

Negative ang reaction ng marami sa ginagawa ni Kris sa kanyang kuya.

Say ng iba, paano magiging presidente si Noynoy kung pati pag-aasawa nito ay puwedeng pigilan ng TV host na kapatid.

Anyway. Depende sa kalalabasan ng pagkukunsulta at retreat ni Sen. Noynoy ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo kahit nauna na niyang sinabi kay Sen. Mar Roxas na gusto niyang kumandidato. Meaning noon pa decided na siya pero ngayon lang siya nag-retreat.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES