Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 26, 2009

Kris Aquino tutuhugin lahat ng trabaho

Gaya ng ipinangako ni Kris Aquino sa kanyang Kuya Noynoy, nagkasarahan na sila ng usapan ng bumibili ng kanyang bahay. Nagkapirmahan na sila at bayad na lamang ang hinihintay para ma­kumpleto ang bilihan. Ang perang pinagbilhan ng kanyang bahay ay itutulong niya sa kampanya ng nag—iisa niyang kapatid na lalaki na tatakbo sa pag­ka-pangulo ng bansa sa 2010.

Hindi naman magiging malaking kawalan para kay Kris ang isa niyang bahay. Sa rami ng mga du­marating niyang endorsements, madali siyang makakabili ng bagong bahay. Napaka-bata pa niya at malaki pa ang iuunlad ng kanyang career sa telebisyon. Kung babalikan pa niya ang kanyang paggawa ng pelikula ay mas lalaki pa ang kanyang magiging kita. Yun nga lang, baka magalit na sa kanya ang asawang si James Yap, dahil ang pagtigil niya sa pelikula ay ginawa niya para mapag­tu­unan ng pansin ang pagiging asawa ng isang sikat na basketbolista at ng kan­yang dalawang anak na lalaki.

Among the Aquino siblings siya ang may pinaka-malaking magagawa para sa pinansiyal na pangangailangan sa political campaign ni Noynoy. Pero hindi naman siya nag-iisa, maraming katulad niyang taga-showbiz ang nag­­sa­sa­gawa na rin ng fund-raising para makalikom ng pondo na magagamit sa napaka-madugong kampanya sa pulitika dito sa ating bansa.

Makakapagbigay pa kay Kris ng karagdagang inspirasyon ang pang­yayaring, hindi lamang mga taong-bayan ang tumutulong sa kanila, maging sa gabinete ni PGMA ay meron na silang kakampi.

Samantala, hindi na kinailangan ng Downy Antibac na kumbinsihin si Kris na i-endorso ang produkto dahil may personal na karanasan ito sa pagi­ging epektibo ng produkto laban sa lamok nang halos sabay na ma-dengue ang kanyang dalawang anak.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES