Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, September 29, 2009

Kristine Hermosa ipinagtanggol ng production team

Ipinagtanggol ng production team ng Dahil May Isang Ikaw si Kristine Hermosa sa sunud-sunod na intrigang kinasasang-kutan nito lately. Nakausap namin si Mico del Rosario of Star TV na nagsabing taliwas daw sa katotohanan ang lahat ng mga negatibong naglala-basan.

Unang nilinaw ni Mico ang tungkol sa isyung pasaway daw ang aktres at sakit ng ulo sa taping ng serye. Aniya ay never daw silang nagkaproblema kay Kristine when it comes to work at very satisfied daw ang management sa trabaho ng kanilang leading lady.

’Yung nasulat na nag-walk-out daw si Chin-Chin Gutierrez dahil hindi raw maka-deliver ng linya si Kristine ay wala rin daw katotohanan at hindi nila alam kung saan nanggaling.

“Definitely, walang ganun’g nangyari. In fairness to Kristine, happy kami sa performance niya talaga,” say ni Mico.

May nasulat ding tsutsugihin na raw si Kristine dahil sa problemang ibinibigay sa management and again, ayon kay Mico ay wala itong katotohanan.

“Sobrang untrue naman ’yun. Unang-una, kasisimula pa lang namin, bakit naman kami magpapalit ng bida? At sa history ng ABS-CBN, never pa naming ginawa na magpalit ng bida sa teleserye, except for Angelica dela Cruz noon sa Prinsesa ng Banyera but that was because, she transferred to GMA-7.

“Pero in almost all cases, hindi kami talaga nagpapalit ng bida, kaya imposible talagang matsugi si Kristine,” paliwanag pa ni Mico.

Du’n naman sa blind item na si Kristine din ang tinutukoy, na diumano ay pinaghintay ang cast sa taping at nakikipag-badminton lang pala kay Oyo Sotto, paliwanag ni Mico, paano mangyayari ’yun gayung hindi raw mahilig sa sports ang aktres.

“Hindi nagba-badminton si Kristine and she’s not into any kind of sports talaga, kaya nakakatawa na lang talaga ang mga naglalabasang balita,” paliwanag pa ni Mico.

May palagay sila na may smear campaign for Kristine para i-down ito pero hindi naman daw sila papayag na mangyari iyon lalo na kung wala naman daw talagang katotohanan.

Aware naman ang Star TV sa mga bali-balita noon pa na may attitude problem si Kristine pero ayon kay Mico, so far ay hindi pa naman daw nila nakikita ’yun sa aktres.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES