Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 19, 2009

Mariel Rodriguez naaawa kay Maricar

AFTER ng preskon ng Lovers in Paris, nakausap namin ang isa sa mga bida nito na si Zanjoe Marudo, na in the news ngayon dahil sa tsikang dine-date niya ang kasamahan sa seryeng si Maricar Reyes.

Ayon kay Zanjoe, walang katotohanan na lumabas sila at hindi nga raw niya alam kung saan nanggagaling ang tsismis na ito.

Hindi rin daw totoong wala na sila ni Mariel Rodriguez at very much on pa rin daw sila.

In fact, that morning ay magkasama sila sa breakfast dahil kararating lang nito mula sa U.S. Na-miss nga raw niya ang girlfriend.

“Two weeks siyang nawala, kaya lang, pagdating niya, ako naman ang aalis,” he said.

Hindi ba nagiging problema sa kanila ang oras?

“Hindi na namin pinuproblema ang mga ganu’ng bagay para hindi na pagsimulan ng away. Suportahan na lang.

“Saka, ’pag may time naman, lagi kaming nagtatawagan, nagte-text. ’Pag may bakante (oras), nagkakasama naman kami.”

Natanong si Zanjoe kung ano ang pasalubong sa kanya ni Mariel at say niya, isang poker set.

“Para ’pag sa taping daw, ’pag wala kaming ginagawa, makakapaglaro kami.”

Nilinaw din namin kay Zanjoe ang tsismis na nagkaroon sila ng cooling-off period recently at ito umano ’yung panahong nakita silang nag-date ni Maricar.

“Hindi po kami nag-cool-off ni Mariel,” pagkaklaro niya.

Bakit sila natsismis ni Maricar?

“Dahil siguro, ilang beses na rin kaming pinagpa-partner, minsan hindi natutuloy, dito sa Lovers in Paris, magkasama kami, pero hindi naman kami magka-partner dito. Parang hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ’yan.”

Ano ang reaksyon ni Mariel tungkol dito?

“Naaawa raw siya kay Maricar kasi bakit daw nadadamay, eh, alam naman natin na may relasyon ako, so, nakakaawa naman daw.”

May tsismis ding lagi siyang nawawala nang mag-taping sila sa Paris dahil nakikipag-date siya sa girls doon.

Natawa si Zanjoe.

“Hindi ako nawawala. Naglilibot ako ’pag wala akong eksena. Kasi siyempre, importante oras doon, kailangang makita mo lahat ng mga magagandang lugar.

“Kasi hindi naman na ako babalik doon, eh. Napakalabong mangyari na nakipag-date ako, kasi hindi kami nagkakaintindihan ng mga tao roon, eh,” natatawa niyang say.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES