Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 24, 2009

Mark Bautista: Nandito ako para kay Sarah

Ang tungkol pa rin sa pagkaka-link niya kay Sarah Geronimo ang inurirat ng entertainment press kay Mark Bautista sa presscon kahapon ng latest endorsement niyang Mang Inasal.

Ayon kay Mark, na-appreciate raw niya ang magagandang sinabi ni Sarah tungkol sa kanya noong nakaraang presscon nito.

Nabanggit kasi ng pop star na mataas ang respeto niya para sa singer dahil nirerespeto rin naman daw nito ang desisyon niya.

“Malaking bagay sa akin ’yung mga sinabi niya nu’ng presscon niya. Sobrang na-appreciate ko talaga ’yon and ayoko nang magsalita pa more than that.

“Hindi naman niya kailangang magsalita nang ganu’n, pero sinabi niya, so, na-appreciate ko talaga siya,” sabi ni Mark.

Matatandaang dating nanligaw ang singer kay Sarah, pero dahil hindi pa nga ready ang dalaga na makipag-boyfriend, nirespeto ’yon ni Mark.

Sa ngayon daw, mas naging close pa sila compared sa dati nilang friendship at aniya, kung talagang choice ni Sarah na maging magkaibigan na lang sila, wala naman siyang magagawa kundi tanggapin ito.

Makakapaghintay pa ba siya kay Sarah?

Napangiti si Mark bago sumagot.

“Siguro, time lang ang makakapagsabi niyan. Basta ako, nandito lang ako para sa kanya. Kaya siguro nga sinasabi niya na sobra ang respect niya (sa akin), kasi nga, naiintindihan ko rin siya.”

Nang matanong si Mark kung aside from Sarah ay sino pa ba ang crushes niya sa showbiz at say niya, “Ayoko nang magsalita, kasi baka naman kung ano ang sabihin ni Sarah.”

’Yun na!

Anyway, si Mark ang first endorser ng Mang Inasal, na ngayon ay may 160 branches na nationwide.

Target ng may-aring si Edgar “Injap” Sia II na before the year ends ay umabot sa 200 ang kanilang branches.

Sa ngayon, every week ay nagbubukas daw sila ng two to three new branches sa iba’t ibang lugar.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES