Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 17, 2009

Paglabas nila ni Sam, inamin ni Maja

Kahit wala pang timeslot, nagkaroon na ng presscon kahapon ang bagong teleserye ni Maja Salvador na Nagsimula sa Puso, kung saan ay makakasama niya sina Jason Abalos, Nikki Gil at Coco Martin.

Si Maja pa lang ang ipina-presscon at aminado ang young actress na sobrang excited siya dahil finally, may sarili na siyang teleserye.

Matatandaang matagal na dapat nagbida si Maja, pero laging nauudlot. Una ay sa Ana Liza at pangalawa, Moon River, na parehong na-shelve.

This time, ani Maja, “this is it!”

Kakaibang Maja raw ang mapapanood sa seryeng ito, medyo sexy at mature. Pumayag din siya sa katakut-takot na love scenes with Jason and Coco.

Sa presscon, nilinaw ni Maja ang walang katapusang issue sa kanila ni Sam Milby.

Ang latest kasi ay umamin ang aktor na lumabas nga sila. Matatandaang matigas itong itinanggi ng young actress recently.

“Ang tanong po kasi sa akin noon was kung nag-date kami. Eh, hindi naman po talaga kami nag-date. Lumabas po kami kasama ang friends ko and cousins, pero ’yun lang po ’yon. Wala pong ibang ibig sabihin ’yon,” say ni Maja.

For the nth time, itinanggi rin ng young actress na nililigawan siya ni Sam.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES