Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, September 30, 2009

Piolo Pascual and KC Concepcion soap, inabangan kahit baha

Nagsimula na nga last Monday sa Primetime Bida ang Lovers in Paris nina Piolo Pascual and KC Concepcion and in fairness, talagang inabangan at tinutukan ito ng mga tao kesehodang lugmok pa ang ating bansa sa katatapos lang na bagyo.

Kahit karamihan sa mga lugar natin ay wala pang kuryente, nagtala pa rin ng 27.4% ratings ang serye base na rin sa survey ng TNS. Habang ang katapat naman nitong programang Stairway to Heaven ay nakakuha ng 21.1%.

Maganda rin ang feedback ng mga tao sa pilot episode kung saan ay ipinakita na ang mga kuha sa pagkaganda-gandang lugar na Paris. Say nga ng isang nakapanood, sosyal daw ang dating ng serye.

At least medyo mawawala na ang worry ni KC na baka hindi siya tanggapin ng masang Pinoy sa kanyang first teleserye. Say nga niya noon sa presscon ay seven months nila itong pinaghirapan kaya sana naman daw ay magustuhan ng mga tao.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES