Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, September 19, 2009

Piolo Pascual quiet na sa panliligaw kay KC

Nagkaroon na ng grand presscon last Thursday night ang much-awaited teleserye nina Piolo Pascual at KC Concepcion, Lovers in Paris, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Of course, present ang dalawang bida at ang isa pang lead star na si Zanjoe Marudo. Naroroon din ang iba pang cast members na sina Mark Gil, Assunta de Rossi, Hyubs Azarcon, Ching Arellano, Aaron Junatas at ang comebacking singer-actress na si Rachel Anne Wolfe.

Hindi naman nakarating si Maricar Reyes, na obviously ay hindi pa ready na humarap sa press, K Brosas at Christopher de Leon, na kasama rin sa cast.

Sa presscon, natanong sina KC at Piolo kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon at kapansin-pansin na medyo naging maingat na ang aktor sa pagsasalita unlike in the past na naging vocal siya sa pagsasabing nililigawan niya ang leading lady.

Ayon kay Piolo, mas maganda kung after na lang ng teleserye nila sagutin ang mga bagay na ito dahil gusto na lang muna nilang mag-focus sa kani-kanilang karakter bilang Carlo at Vivian.

Sa December pa matatapos ang show, kaya sa nasabing buwan pa pala natin malalaman kung ano ang real score sa kanilang dalawa.

Anyway, sa presscon ay nakatawag-pansin ang dialogue ni Assunta na hindi namin alam kung may pinatataaman or what.

Aniya, masuwerte siya, ang trabaho ang lumalapit sa kanya at hindi niya kailangang magmakaawa para kunin siya.

“I never have to beg for work,” ang quotable line niya, kaya natawa ang lahat.

Magsisimula na ang Lovers in Paris sa September 28 sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula sa direksyon ni FM Reyes.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES