Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, September 23, 2009

Ruffa Gutierrez di sinolo ang renta ng sinehan

Uy hindi naman pala totoong sinolo ni Ruffa Gutierrez ang renta ng My Cinema sa Greenbelt 3 para sa private screening ng In My Life (starring Vilma Santos, Luis Manzano, and John Lloyd Cruz) noong first day ng pelikula last Wednesday.

Ang naging impression kasi ng lahat, siya ang nagbayad ng sinehan para mapanood niya at ng mga kaibigan niya ang nasabing pelikula na siyempre ang conclusion ay bilang suporta niya kay John Lloyd na sa kabila ng denial nila ay may ilang hoping na sila nga.

Pero hindi pala, siningil niya lahat ng mga kaibigan niya ng P300 each including her mom and dad.

“Isulat mo nga. Ang support ko lang, since gustong manood ng mga kaibigan ko, nai-gather ko sila. Pati sila mommy (Annabelle Rama), nagbayad silang lahat ng P300,” kuwento ni Ruffa sa isang instant tsikahan.

Pero nag-abono siya ng P10,000 dahil ang renta ng sinehan ay P30,000, plus popcorn and sofdrinks.

“Kaya hindi ako dapat matsismis kay John Lloyd dahil may nagpa-preview the following day na mas bongga. Siya lahat ang nagbayad pati food,” dagdag na tsika ni Ruffa tungkol sa isang non-showbiz friend niya na nagpa-preview din ng In My Life.

Kumalat ang nasabing issue ng pag-rent niya ng sinehan para raw suportahan ang natsitsismis sa kanyang aktor.

“OA ang reaction kasi hindi nila alam na naningil ako ng P300 each,” sabay tawa ni Ruffa na may sakit (na hindi naman obvious) nang makatsikahan namin sa isang chance interview.

At gagawin daw uli niya iyon para sa pelikula ng kapatid niyang si Richard Gutierrez for Patient X.

Anyway, before the end of the year, gagawa ng primetime show si Ruffing (borrow from Ms. AiAi delas Alas sa Ruffa and Ai).

Dalawang pelikula rin ang naka-schedule niyang gawin. Isa rito ang Shake, Rattle, & Roll.

Sinabi ni Tito Mario Bautista na nabanggit ni Mother Lily Monteverde of Regal Films na si Zoren Legaspi ang makaka-partner niya. Minsang naging sila ng partner na ngayon ni Carmina Villaroel, pero walang problema kay Ruffa kahit ito ang i-partner sa kanya.

Ukay-ukay ang magiging title ng episode niya sa Shake…na entry sa Metro Manila Film Festival.

Sa ibang episode, napunta kay Maja Salvador at ang isa pa ay kina Lovi Poe and Jennica Garcia.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES