Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, September 07, 2009

Sam Milby at Maja Salvador, huwag ipilit!

Pakiramdam ni Maja Salvador ay masyadong mataas para sa kanya si Sam Milby kaya naman ayaw niyang i-entertain ang ideya na gustong manligaw ng aktor sa kanya.

Napabalitang type kasi siya ni Sam and in fact, nagte-text-text daw ang binata sa kanya at may tsismis ding lumabas na sila minsan.

Pero ayon kay Maja, twice lang naman daw nag-text si Sam sa kanya at hindi na raw iyon nasundan. Hindi raw ito nanliligaw at magkaibigan lang daw talaga sila.

“Huwag n’yo na pong ipilit si Sam dahil wala naman po talaga. Masyado siyang mataas para sa akin, Sam Milby na siya,” say ni Maja nang makatsikahan namin sa presscon ng Jelly Bean, ang bagong line of clothing na ine-endorse niya na sister company naman ng dati niyang ine-endorse na Folded & Hung.

Baka naman pinagbawalan siya ni Anne Curtis kaya ganyan ang reaksyon niya?

“Ay, hindi, hindi po. Naku kayo, ginagawan n’yo ako ng intriga,” natatawa niyang sabi.

Ang talagang inamin niyang nagpaparamdam sa kanya ngayon ay si Enchong Dee.

“Cute siya mag-text, cute siyang magparamdam, hindi ’yun parang sobra na tulad ng ibang lalake na sobrang seryoso. Kami naman kasi ni Enchong, hindi pa man siya nagsasalita sa E-Live, close na kami talaga. Hindi ko naman alam na may mga pagtingin.

“Alam niya ’yung ano ko na…tinanong kasi niya, ba’t wala kang dyowa, sabi ko, kailangan kong mag-ipon pambili ng appliances. So, cute siya pag nagte-text, sasabihin niya, puwede bang mang-istorbo, tapos pag nalalaman niyang may raket ako, sasabihin niya, “uy, may pandagdag ka na pambili ng appliances. ’Yung mga ganu’n, cute lang. Pa-sweet, mga ganyan.”

Ang tanong, may pag-asa ba si Enchong?

“Alam ni Enchong na sobrang focus ako sa tra-baho kaya okay lang sa kanya na text lang, kilig-kilig, ganyan,” say ni Maja.

Samantala, masaya si Maja sa pagkakapanalo sa nakaraang Star Magic Ball ng Best Couple award with Rayver Cruz but at the same time, naloka raw siya.

“Nakakaloka, sabi ko nga kay Rayver, nanalo tayong Best Couple, eh, hindi naman tayo couple,” natatawang say ni Maja.

Anyway, mas feel ni Maja ang Jelly Bean dahil mas bagay sa kanya ang mga damit na gawa nito. Mas pangbagets kasi ito than F&H. Sa presscon nga ay para siyang Barbie doll dahil naka-girlie dress siya na in fairness, bagay talaga sa kanya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES