Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, September 18, 2009

Sarah Geronimo, di pinaghintay ng 5 taon si John Lloyd

“Record Breaker” ang title ng year-ender concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa November 7.

Ito bale ang pang-apat na pagbabalik ng pop star sa Big Dome at inaaasahang mas malaki at mas exciting ito kesa sa naunang tatlo na pawang huge crowd drawers.

Sa presscon kahapon, sinabi ng direktor na si Rico Gutierrez na maraming bagong gagawin si Sarah sa concert.

“Ang concept sana namin is we want an experience. It’s parang sa Vegas, sa Canada, sa Europe, two emotions, we want to convey emotions that are sad, happy, ganu’n sana.

“Paglabas ng tao, hindi mo lang masasabing ang ganda ng concert na ’to, kundi pag-uusapan pa hanggang sa labas. The theme is really, really young and fresh,” pahayag ng direktor.

Sa nasabing concert, lalabas daw ang pagka-artistic ni Sarah. Isa sa pegs nila ay ang concert ni Celine Dion sa Vegas, na punung-puno ng exciting numbers.

Sa individual interview kay Sarah, hindi naiwasang maitanong pa rin ang tungkol kay John Lloyd Cruz.

We asked her kung na-congratulate na ba niya ang actor dahil sa success ng In My Life.

“’Pag nagkita po kami, hindi ko pa siya nakikita, eh,” aniya.

Nilinaw din niya ang tungkol sa isyung pinaghihintay niya ng five years si Lloydie bago ito sagutin.

“Wala po akong sinabi na hintayin niya ako. Pero may nabanggit ako sa kanya na in five years, siguro, baka ready na ako (na magka-boyfriend), kaya ko na, pero hindi ko siya sinabihan na maghintay,” paglilinaw ni Sarah.

Nilinaw din niyang hindi nanligaw si Lloydie sa kanya at nasabi lang niya ’yon in one of their kuwentuhans.

Pero nagparamdam ba talaga si Lloydie?

“Nagparamdam? I don’t know, kasi siyempre, hindi mo maiiwasan nu’ng gumagawa kami ng pelikula na may kilig. Kasi naniniwala ako na parang ’pag masyado mong naa-absorb ang character mo, kumbaga, parang nadadala mo na ’yung puso niya, ganu’n.

“Siguro, ’yung mga panahon na ’yon na parang…’yun lang, hanga-hanga lang, ganu’n.”

Basta siya raw, vocal sa pagsasabing hinahangaan niya ang aktor, pero hanggang doon lang daw ’yon.

Isa rin sa naklaro ni Sarah ay ang tungkol sa isyung may nagalit sa kanyang taxi driver na diumano ay nagpunta sa bahay nila kasama ang anak para magpa-picture, pero hindi napagbigyan.

“Wala pong nagpupunta sa bahay namin, kasi hindi naman po allowed na magpapasok sa subdivision, ’di po ba, ng outsiders? So, hindi po totoo,” say niya.

Anyway, tungkol sa pellikula, baka next year na raw siya makagawa. So far, ang naka-line-up lang ay ang pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.

Sa mga gusto namang magpa-reserve ng tickets for Record Breaker, available na ito sa lahat ng SM Ticketnet outlets.

For inquiries, call Viva Concerts and Events at 697-5853 loc. 620 and 627.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES