Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, September 23, 2009

Sarah Geronimo nag-react sa pagkaka-link kay Bongbong

INIINTRIGA na rin pala ngayon ang bahay na naipundar ni Sarah Geronimo sa St. Charbel sa Quezon City.

May kumakalat kasi sa text na ang naturang property ay bigay ng isang big-time politician na bagama’t hindi tinukoy kung sino, feeling namin ay si Rep. Bongbong Marcos dahil ito lang naman ang nali-link sa kanyang pulitiko ngayon.

“Oh, my God!” ang bulalas ni Sarah nang sabihin namin ang latest tsismis na ito tungkol sa kanyang bahay.

“Walang katotohanan, ano ba ’yon? Pinagpaguran ko po ’yung bahay na ’yon, pinagtrabahuhan ko po ’yon, naming lahat,” say niya.

Ayon pa sa tsika, may nakakita kasi na galing sa bahay niya ang pulitiko kaya hayun, kumalat na bigay nito ang house and lot ni Sarah.

“Nakakatawa naman ’yan,” reaksyon ng pop star. “Natatawa na lang po ako talaga sa mga lumalabas na tsismis na ’yan,” say niya.

Recently ay nagbigay na rin ng pahayag si Rep. Bongbong at klinaro niya ang pangalan ni Sarah.

Sa official statement ng pulitiko, sinabi niyang walang katotohanan ang tsismis na may relasyon sila ni Sarah.

“Ako po ay pamilyadong tao at kailanman ay hindi maaaring magtaksil sa aking asawa at aking mga anak. Hindi ko po maaaring sirain ang aking pamilya.

“Ako at ang aking pamilya ay humihingi ng paumanhin kay Ms. Sarah Geronimo sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyung ito,” parte ng official statement ng kongresista.

Samantala, kahit iniintriga, patuloy pa rin si Sarah sa paghahanda para sa kanyang fourth major concert sa Araneta Coliseum, ang Record Breaker, sa Nov. 7.

Ang nasabing concert ang year-ender ni Sarah para sa libu-libong tagahanga at tulad ng naunang tatlong concerts sa Big Dome, inaasahang magiging crowd drawer din ang Record Breaker.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES