Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, September 10, 2009

Vilma Santos: Give Luis and Angel space

SA presscon kahapon ng Bear Brand Powdered Milk Drink’s annual nutrition advocacy “Laki sa Gatas” na iniendorso at kinakampanya ni Gov. Vilma Santos, nakatsikahan ng press ang aktres at marami siyang isyung nabigyan ng sagot at linaw.

Unang-una nang gustong malaman ng tao ay kung tinanggap na ba niya ang filmbio ni former Pres. Cory Aquino, kung saan ay siya ang napipisil na gumanap sa papel ng ina ni Kris Aquino.

“Tinitingala si Presidente Cory Aquino, minahal ’yan. Nakita natin kung paano nirespeto ng buong mamamayan. Hindi porke artista ako, I’m proud to do this, you have to give justice to her ’pag ginawa mo ang role niya. Dapat magampanan ng tama ’yan, dahil kung hindi, palagay ko ay sisisihin ka rin ng buong bansa.

“So, ito’y isang role na pinag-aaralan. Ito’y isang role na tinitingnan muna kung ako ba ang nararapat para riyan. Kaya ko bang gampanan ’yan? At the same time, ’pag ginampanan, paniniwalaan ba ako ng tao at makikita nila ang respeto sa role ko?

“A lot of things to be considered in this particular role, so, I’m looking forward to do it, but again, may kinalaman pa rin ’yan sa pagiging isa kong gobernador.

“Hindi pa naipapalabas ’yung In My Life, baka sabihin naman nila, mag-artista ka na lang. Again, mangangailangan ng proper consultation sa kanila kung papayag sila na gumawa ulit ako ng movie kasi may responsibilidad din ako sa kanila. Baka sabihin nila, puro showbiz ka na lang.

“Pero the mere fact na na-offeran ako at sinabihan ako ng magkakapatid na Aquino -- sina Kris -- na they could not think any actor or actress who can portray the role of their mom -- para na rin akong nanalo nu’n.

“Looking forward na lang…tingnan natin, one day at a time. Kung talagang para sa akin, para sa akin ’yan at malaking karangalan,” mahabang pahayag ng Star for All Seasons.

Siyempre, hindi nakaligtas si Ate Vi sa mga katanungan tungkol sa pinagdaraanan ngayon sa lovelife ng anak na si Luis Manzano. Ano ang masasabi niya na malungkot daw ang kanyang binata?

“Ah, ’yon? Gawin ba naman akong pakialamera,” natatawa niyang say.

Seriously, aniya, “I’d like to take this opportunity na may nagtampong reporters sa anak ko especially nu’ng presscon. Please understand my son ’coz lalaki siya. Dapat maging gentleman siya. And Angel (Locsin) is close to my heart and she is so quiet .

“How can you expect my son to elaborate on things about their love affair? So, ’yun ang sinabi ko, ‘anak, less talk, less mistake. Basta’t aminin n’yo lang ang totoo na you’re not in a good ano ngayon, status.’

“But to elaborate on it na hinihingi sa kanya ay huwag naman sanang ma-misinterpret because I know my son. Hindi niya gustong itago, pero hindi naman para sa kanya manggagaling para isa-isahin what happened sa relationship nila ni Angel.

“If you noticed, even up to now, hindi nagsasalita si Angel maybe because either may pain pa or maybe because they’re looking forward, malay mo, baka magkausap sila ulit? So, give them a chance. Give my son a chance. Kilala n’yo naman si Luis, hindi niya intensyon ’yon.”

Pero aniya, maniniwala siya kung anuman ang sabihin sa kanya ng dalawa.

“So, kung ’yun ang sinasabi ni Luis na pinaninindigan niya na walang third party, I will believe my son and same thing with Angel, kung sinabi ni Angel na there’s nothing between her and Sam (Milby), why not? I’ll believe Angel, too.

“I mean nakita ko ‘yung relationship ng dalawa,e! Ang ganda ng suporta, respeto at pagmamahalan ng dalawa. Du’n, testigo ako. Now that they’re having this problem, nirerespeto ko rin.

“Give them space, bigyan natin sila ng espasyo. Malay mo, it’s either of the two -- magtuluy-tuloy na ’yan at maging friends or may chance magkabalikan, pero, ibigay natin sa kanila,” pakiusap pa ng star ng In My Life, na showing na sa September 16.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES