Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, September 20, 2009

Willie Revillame balik Wowowee

TULUY na tuloy na ang pagbabalik ng Wowowee host na si Willie Revillame sa kanyang noontime show bukas sa ABS-CBN.

Nakakatuwa naman ang mga billboard sa kahabaan ng EDSA na “Wil come back. You can’t put a good cologne down” kung saan slogan ng commercial ni Willie ng Bench na tugma sa kanyang pagbabalik bilang host.

Almost two months ding hindi napanood si Willie sa Wowowee dahil sa kontrobersiya sa paglilipat ng mga labi ng yumaong Tita Cory.

Pinalaki ang naturang isyu ng detractors ni Willie kaya napilitan siyang mag-leave sa noontime show.

Nakatulong naman kay Willie ang pagbabakasyon dahil napagbigyan niya ang mga kababayan sa mga malayong probinsiya na gustung-gusto na makapunta sa Wowowee para makita siya nang personal.

Inilapit ni Willie ang Wowowee sa mga probinsiya at maging sa Amerika kahit hindi siya napapanood sa telebis-yon.

In fact, kadarating lang ni Willie nu’ng Bi-yernes galing sa pagsu-show sa Lake Tahoe at Seattle.

Bago umuwi ng bansa ang host ay nagkausap pa sila nang personal ni David Foster, ang sikat na Canadian singer-musician at nag-handle para makilala nang husto ang international artists na sina Celine Dion, Josh Groban, Andrea Boccelli, Michael Buble, and our very own Charice Pempengco.

Ang pagkikita nina Wil-lie at Foster ay nangyari sa Kodak Theater kung saan sila nag-usap na mapapanood din sa Wowowee.

Ang meeting ng dalawa ay para sa gagawing Christmas show ni Foster, kasama si Willie at ibang sikat na international singers tulad ni Boccelli.

Naglibut-libot din ang TV host sa iba’t ibang lugar sa Amerika bago umuwi ng bansa at take note, hindi commercial plane ang sinakyan nito kundi ang private jet kasama ang may-ari na nagbenta sa kanya.

Kumbaga, bini-brake-in nila ang bagong biling private jet bago iuwi dito sa Pinas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 12:51 PM, Anonymous Anonymous said...

hep hep hooray...he WIL return...susuportahan ko cya sa wowowee..pero sa politics i dont think so...hindi na cguro...mahal ko cya pero mas mahal ko ang pilipinas...
no politics 4 willie revillame...,,pero bhala ka sa desisiyon mo...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES